• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon

Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

 

Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth.

 

Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 milyon halaga ng COVID testing ang isinasagawa ng PRC na ipinapasagot sa PhilHealth.

 

Nakapagbayad na ang PhilHealth ng P500 milyon noong Oktubre at P100 milyon nitong Nobyembre. Nitong Nobyembre 5, sinabi ng pamahalaan na P700 milyon na ang nababayaran nila sa PRC.

 

Idinagdag pa ng Senador na lumalaki ang bayarin ng PhilHealth dahil hindi sila tumutupad sa usapan na kada ikatlong araw ay magbabayad sila, subalit sa ngayon ay nasa average na siyam na araw hanggang 12 araw bago umano magbayad ang PhilHealth. (ARA ROMERO)

Other News
  • FACE SHIELD ORDINANCE ng QUEZON CITY na NAGPAPATAW ng MULTA at PAGKAKULONG – DAPAT MAAMYENDAHAN!

    Noon pa man ay sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Council para ma-amyendahan ang 0rdinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield Ordinance na ipinasa noong August 24, 2020 at nilagdaan ng Mayor noong September 17 2020. Sa kung sino man ang lalabag, ang karampatang parusa na ipapataw, […]

  • Kaabang-abang ang role niya sa ‘Senior High’: SYLVIA, pinayuhan si ANDREA lalo na sa mga bashers

    SA celebrity screening ng newest primetime series ng ABS-CBN na ‘Senior High’ na hatid ng Dreamscape Entertainment, may pasilip na ang character ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.   Gaganap siya bilang isang security guard sa school na kung saan nag-aaral ang kambal na sina Luna at Sky na ginagampanan ng ‘next important star’ […]

  • PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD

    NASABAT  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu. Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor  na ML FAIDA  sakay ang siyam nitong tripulante. Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety […]