• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng Pilipinas ‘record-high’ na naman sa P13.64 trilyon nitong Oktubre

TUMUNTONG  na sa P13.64 trilyon ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Oktubre 2022, bagay na nangyayari sa gitna ng 14-year high inflation rate at kontrobersyal na panukalang Maharlika Wealth Fund.
Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury, Miyerkules, matapos madagdagan ng P124.92 bilyon ang halagang hiniram ng gobyerno. Nasa 0.92% pag-akyat ito kumpara sa utang noong Setyembre.
Tumuntong na sa P13.64 trilyon ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Oktubre 2022, bagay na nangyayari sa gitna ng 14-year high inflation rate at kontrobersyal na panukalang Maharlika Wealth Fund.
Narito ang kasalukuyang hatian ng utang ng gobyerno:
utang panloob (P9.36 trilyon)
utang panlabas (P4.28 trilyon)
Halos buwan-buwan nang “record-high” sa halaga ng utang ang naitatala ng gobyerno, dahilan para ipayo noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ang administrasyon ng panibagong mga buwis at pagbabawas ng hindi kinakailangang gastos.
Ayon sa kawanihan, nadagdagan ng P54.58 bilyon ang domestic debt primarya dahil sa net issuance ng government securities na siyang nagkakahalaga na ng P55.83 bilyon, habang nabawasan naman ito ng P1.25 bilyon dulot ng local currency appreciation kontra sa dolyar.
Matatandaang tumaas nang bahagya ang halaga ng piso kontra sa dolyar patungong P58.047 noong pagtatapos ng Oktubre, bagay na hakbang pasulong mula sa P58.646 isang buwan bago ito.
“NG domestic debt comprises 68.58% of the total debt stock and has increased by P1.18 trillion or 14.50% since the beginning of the year due to continued preference for domestic financing to mitigate foreign currency risk,” sabi pa ng Treasury.
“NG external debt amounted to P4.28 trillion, P69.34 billion or 1.64% higher from the end-September level due to the P118.71 billion net availment of foreign financing.”
Sa ilalim ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., matatandaang lumobo ng “fifty-fold” ang utang ng Pilipinas mula US$599 million noong 1965 patungong US$28.3 billion noong 1986 lalo na para pondohan ang kanyang “Golden Age of Infrastructure,” ayon sa economic think tank na IBON Foundation. (Daris Jose)
Other News
  • COA, pinuna ang PCGG hinggil sa unrecorded stock certificates, artworks mula sa Marcos era

    PINUNA  ng Commission on Audit (COA) ang mga hindi nai-record  na 76 stock certificates (STCs) at 122 paintings at  artworks na -narekover  ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).     Batay sa  2021 annual  audit report, sinabi ng  Commission on Audit (COA)  na nabigo ang PCGG na itala ang  772.594,488 shares of stocks ng […]

  • 2 bagets huli sa aktong sumisinghot ng shabu

    Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang 17-anyos na binatilyo matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Joel Dela Cruz, 18 ng Brgy. Tañong, Malabon city […]

  • Napili para gumanap na Ninoy Aquino: JK, happy, honored and scared dahil ‘di ganun kadali ang role

    SI JK Labajo ang napili para gampanan ang mahalagang papel ni Ninoy Aquino sa pelikulang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films.     Kaya tinanong si JK kung ano ang naramdaman niya noong ialok sa kanya ang pelikula.     “When I was offered the role I was really happy and scared at the same […]