• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon

LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto.

 

 

Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar.

 

 

Sa kabuuang debt stock, 31.8 percent dito ay inutang sa labas ng bansa habang ang 68.2 percent ay inutang sa loob ng bansa.

 

 

Lumalabas na ang domestic debt o utang sa loob ng bansa nitong katapusan ng Agosto ay umabot na sa P9.79 trilyon.

 

 

Habang ang utang sa labas ng bansa ay umakyat sa P4.56 trilyon na P126.52 bilyon o 2.9 percent mas mataas “mont-on-month dahil sa huminang piso.

 

 

Matatandaan na ang running debt stock ng national government nitong katapusan ng Hulyo ay P14.24 trilyon matapos na itaas ng gobyerno ang kanilang fund raising efforts sa domestic market bilang suporta na rin sa budgetary requirements. (Daris Jose)

Other News
  • Paghuli sa pasaway na motorista sa Undas, tigil muna – LTO

    PANSAMANTALANG itinigil ng Land Transportation Office (LTO) ang panghuhuli ng mga pasaway na motorista sa panahon ng Undas.     Ayon kay LTO chief Teofilo Guadiz, wala munang pa­ng­huhuli ng mga pasaway na motorista ang LTO operatives sa panahon ng paggunita sa Undas kundi tututukan nila ang pagbibigay assistance sa mga motorista.     Gayunman, […]

  • Magulang na di nagbibigay ng sustento sa anak, ipakulong

    NAIS  ni Davao City Rep. Paolo Duterte na maipakulong ang mga magulang na nagpabaya at hindi rin nagbibigay ng sustento sa anak o obligasyon na child support.     Sa ilalim ng House Bill 4807 na inihain ng mambabatas kasama ang tatlong iba pa, ipinanukala na mapatawan g parusang pagkakakulong ng 2-4 na taon ang […]

  • Pahayag ni Pope Francis sa same-sex union, taken out of context

    WALANG binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage.   Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian.   Ipinaliwanag ni Msgr. […]