• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ni PBBM: LET’S PREPARE FOR THE NEXT FLOOD

NGAYON pa lamang ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national at local governments na paghandaan na ang susunod na pagbaha habang ang bansa ay nahaharap sa La Niña phenomenon.

 

 

 

“Let’s prepare for the next flood. This is the first typhoon sa La Niña. Mahaba pa ‘to. So, we have to prepare for that. Let’s think about preparing for that,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa situation briefing sa Mauban, Quezon, araw ng Biyernes.

 

 

Makikita sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang munisipalidad ng Agdangan sa Quezon ay matinding tinamaan ng mga bagyong Aghon, Carina at ng southwest monsoon (habagat).

 

 

Sa kabilang dako, tinatayang 986 pamilya o 4,324 indibiduwal ang apektado ng Carina. May kabuuang 968 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan. Ang bagyo rin ang dahilan ng paghinto ng operasyon sa seaports sa Real, Infanta, Polilio, Patnanungan, Jomalig, at Burdeos.

 

 

Nais din ng Pangulo na i-assess ang mga mahahalagang pagbabago sa flooding patterns sa lalawigan.

 

 

“We’re trying to assess what are the significant changes because all our flood control projects are projects that are in response to the – ‘yung mga flooding noon,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, matapos bisitahin ang Quezon province, binisita naman ng Pangulo ang mga residenteng apektado ng bagyong Carina sa Rizal.

 

 

(Daris Jose)

Other News
  • Na-deglamorize sa first Cinemalaya starrer: MARIAN, ‘di maipaliwanag ang excitement sa karakter sa ‘Balota’

    IBINAHAGI ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram, ang unang sulyap mula sa kanyang first Cinemalaya movie na “Balota” na dinirek ni Kip Oebanda.       Sa kanyang caption, “Sobrang ‘di ko mapaliwanag ang excitement ko sa project na to! [sob, pray, hearts emoji] No filter – No makeup – No double!” […]

  • Pacquiao kailangan pa ang 3 linggo bago ganap makarekober ang kanyang mata

    Aabutin pa ng tatlong linggo bago makarekober ang isang mata ni eight Division World Champion Manny Pacquiap matapos nagkaroon ng retina matapos ang laban kay Yordenis Ugas.     Sinabi din nito na nakarekober na subalit naramdaman pa rin ang sakit kayat kailangang ipikit ang mga mata.     Kinumpirma din nito na tatlong araw […]

  • Labis-labis ang pasasalamat sa mga parangal na natanggap: YASMIEN, kinilala naman bilang ‘Top Actress of the Year’ sa Brand Asia Awards

    CONGRATULATIONS to “Start-Up PH” actress na si Yasmien Kurdi!       Labis ang saya ni Yasmien sa panibagong papuri at karangalan na kanyang natanggap bilang isang actress, last December 3, kinilala siyang “Top Actress of the Year” mula sa Brand Asia Awards.     Ayon sa Instagram caption ni Yasmien: “Top Actress of the Year. […]