Utos ni PBBM sa DND, sugpuin ang ‘criminal activities’ sa Negros Island
- Published on March 14, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na sugpuin ang “criminal activities at impunity” sa buong Negros Island.
Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4.
“And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor Roel Degamo and restore normalcy and confidence of our people,” ayon kay Galvez sa isang panayam.
Nagbigay din aniya si Pangulong Marcos sa kanya ng verbal orders na lumikha ng joint task force na binubuo ng dalawang brigada para paigtingin at tulungan ang nagpapatuloy na joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) operations.
“This joint task force is tasked to carry out Marcos’ order and search warrants,” diing pahayag ni Galvez.
“Also we have just deployed a 50-man specially-trained strong Light Reaction Company, kung alam nyo po yung light reaction company, they were involved in the Battle of Marawi (in 2017) from the deployment of the AFP to monitor the remaining suspects,” dagdag na wika nito.
Ang deployment ng nasabing special troops ay pagbibigay-diin lamang sa naunang pahayag ng Pangulo na “the suspects can run but cannot hide.”
“As the President had said that we will give justice to the family and sabi niya na suspects, you can run but you cannot hide, we will find you,” ani Galvez. (Daris Jose)
-
Undercards sa Teofimo Lopez vs. George Kambosos fight sa Oct. 4 nakalatag na
Inanunsiyo ng promotional company na Triller ang iba pang magiging bahagi ng undercard sa mandatory fight sa pagitan nina Teofimo Lopez (16-0, 12 KOs) at George Kambosos (19-0, 10 KOs), na magaganap sa October 4, 2021 sa Hulu Theater ng Madison Square Garden. Kung maalala una nang itinakda ang banggaan ng dalawa noong […]
-
PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik […]
-
Eric Gordon, baka mawala ng 2 weeks dahil sa ankle injury – sources
Pinangangambahan ngayon na posible umanong abutin ng hanggang dalawang linggo ang pagkawala ni Houston Rockets guard Eric Gordon makaraang magtamo ito ng ankle injury. Ayon sa mga impormante, inaasahang bukas malalaman ng koponan ang lala ng pinsalang natamo ng Rockets guard. Pero sinabi ni Houston coach Mike D’Antoni, negatibo naman daw ang lumabas sa X-ray. […]