• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ni PBBM sa DND, sugpuin ang ‘criminal activities’ sa Negros Island

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  Department of National Defense (DND) na sugpuin ang  “criminal activities at impunity” sa buong  Negros Island.

 

 

Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr.  na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4.

 

 

“And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor Roel Degamo and restore normalcy and confidence of our people,” ayon kay Galvez sa isang panayam.

 

 

Nagbigay din aniya si Pangulong Marcos sa kanya ng verbal orders  na lumikha ng  joint task force  na binubuo ng dalawang brigada  para paigtingin at tulungan ang nagpapatuloy na joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) operations.

 

 

“This joint task force is tasked to carry out Marcos’ order and search warrants,” diing pahayag ni Galvez.

 

 

“Also we have just deployed a 50-man specially-trained strong Light Reaction Company, kung alam nyo po yung light reaction company, they were involved in the Battle of Marawi (in 2017) from the deployment of the AFP to monitor the remaining suspects,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang deployment  ng nasabing special troops ay pagbibigay-diin lamang sa naunang pahayag ng Pangulo na “the suspects can run but cannot hide.”

 

 

“As the President had said that we will give justice to the family and sabi niya na suspects, you can run but you cannot hide, we will find you,” ani Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • Makakasama nila ni Dennis sina Andrea at Sid: BEA, excited sa serye na pagbabalik niya sa drama

    NAGKAROON na ng story conference ang upcoming Kapuso series “Love Before Sunrise” na magpapabalik sa tambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, after twenty years na unang nagkasama sila sa ABS-CBN.      Sa story conference, natanong si Dennis kung ano ang masasabi niya sa new series na gagawin, after “Maria Clara at Ibarra?     […]

  • PBBM, inaprubahan ang P5.7 trillion National Expenditure Program

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang P5.768 trillion  National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2024.     Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang 2024 NEP ay 9.5% na mas mataas sa P5.268 trillion budget ngayong taon.     Ito rin aniya ay 21.8% ng gross domestic product (GDP) ng bansa. […]

  • GAME TO FILM “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” HITS CINEMAS THIS HALLOWEEN

    GET ready for a game of survival at the cinemas when “Five Nights At Freddy’s” opens November 1 nationwide, from Universal Pictures International.       From horror haven Blumhouse, producers of recent hit cinema terrors “M3gan”, “The Black Phone” and “Invisible Man”  brings “Five Nights at Freddy’s” to the big screen.  The film stars Hunger Games’ […]