Uulan ng saya at babaha ng papremyo ngayong Hulyo: ‘Family Feud’ na hino-host ni DINGDONG, mamimigay ng higit 2 milyon kada linggo
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
SIMULA sa Lunes, Hulyo 8, hindi lang ang mga masugid na manonood ng award-winning na game show ng GMA Network, ang “Family Feud” ay may pagkakataong manalo sa all-new promo na “Guess to Win,” kundi pati na rin ang mga loyal viewers ng buong GMA Afternoon Prime block.
Bilang “Family Feud” host at Kapuso Primetime King masasabi ni Dingdong Dantes na, “uulan ng saya at babaha ng papremyo” ngayong Hulyo.
Limang tanong sa promo na “Guess to Win” ang ipapakita sa mga commercial break ng “Abot Kamay Na Pangarap,” “Lilet Matias: Attorney-at-Law,” “Fast Talk With Boy Abunda,” “Voltes V: Legacy,” at “Eclipse of the Heart.”
Maaaring isumite ng mga manonood ang kanilang mga entry sa sandaling mag-flash ang mga tanong sa kanilang screen. Dalawang karagdagang katanungan ang itatanong sa episode ng “Family Feud.”
Maaaring ipadala ng mga kalahok ang kanilang mga sagot sa opisyal na website ng promo www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.
Ang higit na nakaka-excite sa promo na ito ay ang araw-araw na anunsyo ng mga nanalo. Dati, kailangang maghintay ng isang linggo ang mga manonood bago malaman kung nanalo sila.
Sa pagkakataong ito, ang mga pangalan ng araw-araw na nanalo ng ₱20,000 bawat isa ay iaanunsyo sa “Family Feud” sa parehong araw.
Para makasali sa promo, ang mga manonood ay dapat Filipino, may edad na 18 taong gulang pataas, at dapat ay may isang government-issued ID, isang na-verify na email address, at isang valid na mobile number. Ang mga kalahok lamang na naninirahan sa bansa ang pinapayagang sumali.
Magsisimula ang promo mula Hulyo 8 hanggang Agosto 2, 2024. Para sa higit pang detalye tungkol sa promo mechanics, bisitahin ang www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.
Ito ay #HulyoFUNalo talaga sa “Family Feud” dahil mahigit 2 milyong piso ang mamimigay kada linggo! Lahat ng nanalong teams para sa linggo ay tatanggap ng 1.25 milyong piso; 700,000 pesos sa mga loyal viewers sa pamamagitan ng “Guess to Win” promo, at 100,000 pesos sa mga napiling charity ng mga nanalo.
Huwag palampasin ang saya, excitement, at cash prizes sa “Family Feud,” Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 5:40 p.m. bago ang “24 Oras”.
Para sa higit pang mga kuwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com
(ROHN ROMULO)
-
Walang magbabago sa mga proseso kahit may appointed na Vaccine Czar: DOH
DINEPENSAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala namang magbabago sa prosesong ginagawa ngayon ng mga nakatalagang opisyal na nangangasiwa sa development at pag-aangkat ng COVID-19 vaccine, dahil in-appoint ng presidente si Galvez. “Wala […]
-
Iniimbestigahan sa presinto patay
PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila. Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso. […]
-
Nagtala ng bagong ‘Guiness World Records’: BTS, binasag ang sariling record bilang “most-streamed group on Spotify”
MULING nagtala ng bagong record para sa Guiness World Records ang sikat na Korean supergroup na BTS. Sa katunayan ang grupo mismo ang bumasag sa sarili nilang record bilang “most-streamed group on Spotify.” Noong nakaraang March 3, nagtala ng bagong record ang BTS sa Spotify. Umabot na sila sa 31.96 billion streams sa […]