• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.

 

 

Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.

 

 

“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

 

 

Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.

 

 

“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

 

 

Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.

 

 

Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.

 

 

“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.

 

 

Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

 

 

Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose  habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.

 

 

Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.

 

 

Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.

Other News
  • Outgoing Education Secretary Leonor Briones, binati si Vice-president elect Sara Duterte kasabay ng inagurasyon

    BINATI ni Outgoing Education Secretary Leonor Briones si  Vice President-elect Sara Duterte, sa inagurasyon nito ngayong araw ng Linggo, Hunyo 19.     Si Duterte ang mamumuno sa  Department of Education (DepEd) sa ilalim ng administrasyong  Marcos.     “Together with the entire Department of Education (DepEd) family, I congratulate you on your inauguration on […]

  • Tabal sumuko na sa 32nd Summer Olympic Games

    TAAS kamay na si 2016 Rio de Jainero Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa iniurong sa darating na Huly 23-Agosot 8 dahil sa COVID-19 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.     Ito ang binunyag ng 30th  Southeast Asian Games Philippines 2019 silver medalist at dating pambato ng Philippine Athletics Track and […]

  • Bumaba ang dami ng sasakyan sa Skyway 3 matapos simulan ang toll fee collection

    Ang mga motoristang dumadaan sa Skyway 3 ay bumaba ang bilang matapos simulan ang pangongolekta ng toll fee noong nakaraang Lunes.     “The number of motorists that passed through the elevated tollway reached a little over 60,000 on Monday, down from the average of 100,000 motorists during seven months of toll-free use,” wika ni […]