• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tabal sumuko na sa 32nd Summer Olympic Games

TAAS kamay na si 2016 Rio de Jainero Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa iniurong sa darating na Huly 23-Agosot 8 dahil sa COVID-19 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

 

 

Ito ang binunyag ng 30th  Southeast Asian Games Philippines 2019 silver medalist at dating pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) sa isang pnayam sa kanya sa telebisyon nitong isang araw lang.

 

 

“Ni-let go ko na ‘yung 2020 Tokyo Olympics if talagang go na siya for this year since all my postponed races dated from 2020 to 2021 are still on hold. Wala akong ma-join na confirmed marathon competitions na pwedeng mag-earn ng points going to Tokyo Olympics,” bulalas ng 31 taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Cebu na mananakbo.

 

 

Pero binigyang-diin naman ng unang Pinay marathon runner at six-time National MILO Finals queen, na kakayod pa siya ito sa iba’t ibang mga karera at puntirya ang 33rd Sumer Olympic Games 2024 sa Paris, France.

 

 

Nagbabalak na ring magpatala ang dalaga sa kasintahan niyang sundalo. (REC)

Other News
  • Tanong ng netizen, ‘Bahay nyo ni Belle?’: DONNY, nagpapatayo na ng ‘dream house’ sa edad na 24

    SA Instagram post ni Donny Pangilinan, flinex niya ang pinatatayong dream house na may caption na, “Almost there!! 🙏🏼🏠 #casadonato.”     Nakatutuwa at sobrang nakaka-inspire na sa edad niyang 24 at nagpapatayo na siya ng sariling bahay.     Bakit nga ba hindi, maituturing nga na si Donny at ka-loveteam na Belle Mariano na […]

  • Kung siya ang masusunod, patitigilan nang magbarko:: KOKOY, makabagbag-damdamin ang kuwento sa ama na seafarer

    MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang kuwento ni Kokoy de Santos tungkol sa ama niya na isang Pinoy seafarer na na-hostage noon sa Somalia habang nasa barko.     Ang masaklap pa nito, may sakit sa puso ang ina ni Kokoy.     Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay ibinahagi ito ng Sparkle male artist.   […]

  • Private firms, puwede nang umangkat at bumili ng sarili nitong Covid-19 vaccine

    MAAARI nang umangkat at bumili ng Covid-19 vaccines ang mga  private firms kahit pa gaano ito karami.   Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na lagdaan na ang anuman at lahat ng dokumento  na naglalayong payagan ang  private sector […]