Vaccination stickers sa mga bahay, suportado ng DOH
- Published on July 13, 2021
- by @peoplesbalita
Suportado ng Department of Health (DOH) ang istratehiya ng ilang lokal na pamahalaan na kabitan ng ‘vaccination stickers’ ang mga bahay o establisimiyento na ang mga nakatira ay mga ‘fully-vaccinated’ na kontra sa COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung isa ito sa istratehiya ng mga lokal na pamahalaan na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna, wala siyang nakikitang uri ng diskriminasyon dito.
Nauna nang nagpatupad ng estilong ito ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong.
Iginiit ni Vergeire na patuloy na boluntaryo ang pagpapabakuna ng publiko ngunit madiin ang paghikayat nila na samantalahin ang libreng bakuna sa ‘vaccination program’ bilang proteksyon sa sarili at sa mga kasamahan sa bahay.
“Sa mga communications handle natin, pilit natin ini-encourage ang ating mga kababayan na magpabakuna. Pinapakita at pinaparinig natin sa kanila kung ano ang pwedeng maging benepisyo ng bakunang ito para sila ay makumbinse,” ayon pa sa opisyal. (Daris Jose)
-
Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products
TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos. “We share the President’s anger and frustration with smuggling, […]
-
Grand slam sa Cool Smashers
HUMATAW si American import Erica Staunton ng 29 points mula sa 26 attacks, dalawang aces at isang block, habang may 27 markers si Bernadeth Pons. Nauna nang nagreyna ang Creamline sa nakaraang 2024 All-Filipino Conference kontra sa Choco Mucho at Reinforced Conference laban sa Akari para sa kanilang ‘three-peat’. Ang championship point […]
-
South Korea, No. 2 sa COVID-19
Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea. Nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa naitalang record nila. Bunsod nito, ang South Korea ang itinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China. Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng […]