• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccinators isaisailalim sa re-orientation ng COVID-19 vaccines – DOH

Isasailalim muli sa orientation ang mga healthcare workers na nagtuturok ng COVID-19, ayon sa Department of Health.

 

 

Tugon ito ng ahensya sa gitna ng mga report na may ilang vaccinators umano ang nagkamali sa pagtuturok ng bakuna.

 

 

“Ngayong araw mayroong isang malakihang re-orientation of protocols kung saan inimbitahan natin lahat ng mga pwedeng maka-attend na vaccinators,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Ito ay para ma-refresh sila at they can be always aware of our existing protocols sa vaccination.”

 

 

Mula nang lumutang ang mga viral video, sinimulan na raw ng DOH ang pagsasailalim sa re-orientation ng mga bakunador.

 

 

Pinayuhan na rin ng ahensya ang vaccination sites na tiyaking may nakatalagang supervisor na nagbabantay sa proseso ng mga nagbabakuna.

 

 

“Yung ating inventories at each vaccination day para makita natin kung nagkukulang (dapat) nakakapag-imbentaryo ng one is to one, isang hiringilya sa isang tao at doses na naibigay natin sa kanila.”

 

 

Muli ring nanawagan si Vergeire sa mga lokal na opisyal na siguruhing may sapat na pahinga ang mga healthcare workers para hindi na maulit ang mga insidente ng maling pagbabakuna. (Daris Jose)

Other News
  • Balik-training after na magkasakit nang dalawang ulit: PIA, palaban sa sasalihang marathon sa New York City

    FIGHTING si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa sasalihang New York City marathon on November 6.     Hindi tinago ni Pia na may ilang training days siyang hindi nagawa dahil sa pagkakaroon niya ng sakit. Hindi lang daw ang pisikal na pangangatawan niya ang naapektuhan kundi pati ang mental balance niya.     […]

  • ‘Bagong Friendster’, ginagamit para sa phishing- DICT

    MALAKI ang posibilidad na ang bagong  Friendster ay ginagamit para sa phishing. Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) ng Department of Information and Communication Technology na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong  Friendster ay natuklasan na mayroong “ previous reports about phishing, brute force […]

  • Bawal ang pahinga kay EJ

    MULING  makakaharap ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sina world record-holder Mondo Duplantis ng Sweden at American Chris Nilsen sa Kamila Skolimowska Memorial sa Chorzow, Poland sa Agosto 6.     Kagagaling lamang ng 6-foot-2 na si Obiena sa makasaysayang bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Eugene, Oregon.     Lumundag si […]