• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Vaccine hesitancy’ ng mga Pinoy, 10% na lang

BUMABA na sa 10% ang ‘vaccine hesitancy’ o ang kawalang-tiwala sa COVID-19 vaccines ng mga Pilipino sa kabila na bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na bilang sa katatapos na ikatlong bugso ng ‘national vaccination drive.’

 

 

“At the start talaga, since last year, meron talagang hesitancy ‘yan na mga 30%, although bumaba na ngayon, nasa 10% na lang,” ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega.

 

 

Nitong Sabado, una nang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bigo ang pamahalaan na maabot ang limang milyong vaccination target sa ikatlong bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” program na idinaos mula Pebrero 10 hanggang 18.

 

 

Ngunit sapat na rin umano ang naabot na 3.5 milyong indibidwal na kanilang nabakunahan sa walong araw na bakunahan.

 

 

Ikinatwiran ni Vega na isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi naabot ng pamahalaan ang target ay dahil mabagal pa rin ang pagbabakuna sa ilang lugar sa Min­danao na naapektuhan ng bagyong Odette.

 

 

Pangunahing target ngayon ay mabakunahan ang mga senior citizen na 65% pa lamang nila ang nababakunahan.

 

 

Target ng gobyerno na umabot sa 90 mil­yong Pilipino ang mabakunahan bago bumaba si Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan sa Hunyo.

Other News
  • Libu-libong pamilya mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, inilikas dahil sa pananalasa ni bagyong Pepito

    TINATAYANG nasa 5,000 pamilya ang inilikas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyong Pepito.   Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni NDRRMC Asec Casiano Monilla na malaking bahagi ng mga inilikas ay mula sa Region 4a partikular sa Quezon province kung saan nasa 4,790 […]

  • Paris Olympics: South Sudan basketball team, sasabak sa laban kontra NBA superstars

    MULING maghaharap ang Team USA at Team South Sudan sa ilalim ng preliminary elimination sa Paris Olympics 2024.           Maaalalang nagkaharap ang dalawa sa exhibition games bago ang opisyal na pagsisimula ng Olympics kung saan naging pahirapan para sa US na ipanalo ang laban dahil na rin sa magandang depensa at […]

  • Van rental owner niratrat ng nakaalitan sa pustahan sa bilyar, todas

    DUGUANG humandusay ang katawan ng 37-anyos na van rental owner matapos pagbabarilin ng ka-barangay na nakaalitan niya sa pustahan sa larong bilyar sa Caloocan City. Sa ulat nina P/SSg. Aldrin Mathew Matining at P/Cpl. Ariel Dela Cruz kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang si alyas “ Mark”, ng […]