• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela binuksan na ang “Balai Banyuhay” o drug treatment at rehabilitation facility

PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang kanilang kauna-unahang drug treatment at rehabilitation facility na tinawag na “Balai Banyuhay” sa Barangay Punturin, Huwebes ng umaga.

 

 

Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang ceremonial launching ng center para sa buong operasyon nito para sa mga residente at hindi residente ng lungsod na kasalukuyang nahaharap sa mga hamon tulad ng pag-abuso sa mga ipinagbabawal na sangkap upang mabigyan sila ng mahusay at makataong rebabilitative measures.

 

 

“Naniniwala kami na ang problema sa droga ay hindi lamang problema ng isang lugar. This is an interconnected issue, which transcends the physical borders of our city,” pahayag ni Mayor WES matapos buksan ang mga pintuan ng Balai Banyuhay sa kanilang mga kalapit na lungsod.

 

 

Sa panig naman ni Senador Dela Rosa na nagsilbing panauhing pandangal, nagbigay siya ng payo sa mga doktor at nagtatrabahong kawani ng center na isaisip na ang problema sa droga ay problema sa kalusugan ng publiko at hindi lamang problema sa kaayusan ng publiko.

 

 

“It is important then that we offered the best kind of health as equal for the sake of every patient. Let us take this addiction problem to mind but with the stake the recovery to heart,” ani Senator Bato.

 

 

Ang Balai Banyuhay ay itinatag sa bisa ng Ordinansa Blg. 603 Series of 2009 na inakda ni Konsehal Atty. Bimbo Dela Cruz at Konsehal Ramon Encarnacion. Ang salitang balai na ang ibig sabihin ay tahanan at banyuhay na para sa bagong anyo ng buhay o pagbabagong-anyo kung saan ang mga Valenzeulano na nalulong sa ipinagbabawal na droga ay tuluyang makabawi at magiging mga constructive na miyembro ng komunidad.

 

 

Ang five-storey drug rehabilitation center ay una nang pinondohan ni Sen. Win Gatchalian sa pamamagitan ng paglalaan ng P50 milyon at dagdag na P115 milyong puhunan mula sa Lungsod ng Valenzuela. Ang kabuuang puhunan ng lungsod ay nagkakahalaga ng P180,476,448.65 na kinabibilangan din ng restoration at repair nito at mga karagdagang kasangkapan.

 

 

Kasama sa mga serbisyo at pasilidad ng Balai Banyuhay, ay isang 100-bed capacity na sleeping headquarters, detoxification section, medical consultation section, psychological section, clinical laboratory, drug-testing laboratory, dental section, workshop area, lounge area, kusina, mini garden, multi- layuning lugar ng palakasan, silid-aralan, at iba pang mga opisina. (Richard Mesa)

Other News
  • “SUZUME” PASSES 14 BILLION YEN, NOW THE 15TH ALL-TIME BIGGEST FILM IN JAPAN

    MAKOTO Shinkai’s “Suzume” anime film has passed 14 billion yen at the Japanese box office, becoming only the 15th film ever to do so in history.   As of March 5, “Suzume” has nabbed a total of 14.04 billion yen (US$104.73 million) and now ranks as the 15th highest-grossing film released in Japan ever.   […]

  • 2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

    Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.     Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na […]

  • GET READY FOR AN ACTION-PACKED JOLLY CHRISTMAS! WATCH THE TRAILER FOR “RED ONE,” STARRING DWAYNE JOHNSON AND CHRIS EVANS

    It’s never too early to get jacked for Christmas. Watch the trailer for “Red One” now, starring Dwayne Johnson and Chris Evans, and see the film only in cinemas November 13.         YouTube: https://youtu.be/vGmahWH8Awg       Facebook: https://web.facebook.com/WarnerBrosPH/videos/697488442503837         About “Red One” After Santa Claus – Code Name: […]