• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela City at Tanauan City, lumagda sa Sisterhood Agreement

UPANG higit pang palawigin at patatagin ang alyansa sa pagitan ng Valenzuela City at Tanauan City, pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Mayor Nelson Collantes ang paglagda sa sisterhood agreement na ginanap sa Tanauan City Hall.

 

 

Sa bisa ng Resolution No. 2610, Series of 2023, na ipinasa ng Valenzuela City Council at Resolution No. 2022-2264, na nilagdaan ng Tanauan City Council, pormal na pinagtibay ang relasyong magkakapatid sa pagitan ng dalawang nabanggit na lungsod.

 

 

Maliban diyan, ikinategorya na rin nila ang developmental checklist na balak nilang pagtuunan ng pansin, upang magkaroon ng mas mahusay na pagpapalitan ng mga sistema ng gobyerno para sa sustainable growth ng kani-kanilang ekonomiya.

 

 

Kabilang ang anim na pangunahing ekonomiya pauunlarin ang Technical Exchange and Cooperation for Sustainable Development, Trade and Investment, Tourism, Information Technology, Human Development at Culture and Arts.

 

 

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita sa pamamahalaan Tanauan City, nilibot ni Mayor WES, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at ng buong konseho ng lungsod ang Sabang River Eco Park, Taal Lake, Honda Philippines Factory, at Apolinario Mabini Shrine and Museum.

 

 

Ang mga delegado mula sa Valenzuela ay naglalayon na obserbahan at pag-aralan ang kanilang mga pinakamahusay na kasanayan, industriya at pangangalaga ng mga kultural na palatandaan, na maaaring magamit para sa mga programa ng lungsod sa hinaharap.

 

 

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Mayor WES na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela ay lubos na susuporta at sasamahan ang Tanauan City sa oras ng kanilang pangangailangan.

 

 

“Kami po ay nagagalak na makita ang inyong mga programa at iba’t ibang mga imprastraktura. Naniniwala po ako [na] with the right vision ni Mayor Sonny, sa kaniyang dedication, at sincerity sa paglilingkod, na ang Lungsod ng Tanauan po ay hihigitan pa ang Lungsod ng Valenzuela sa mga darating na araw. Makakaasa po kayo na ang buong pamunuan ng Valenzuela ay buo ang commitment na aalalayan ang inyong Lungsod sa oras na inyong kakailanganin.” pahayag ni Mayor Wes. (Richard Mesa)

Other News
  • SHARON, inamin na matagal nang hinahanap ang normal na pamumuhay sa Amerika na ibang-iba sa Manila

    TULUY-TULOY pa rin ang paglabas ng vlog ni Megastar Sharon Cuneta kahit ngayong masaya siyang naninirahang pansamantala sa Los Angeles, California, kasama ang mga friends niya.      Nagkaroon din siya ng family reunions sa mga relatives niyang naninirahan doon.  Inamin niyang ito ang matagal na niyang hinahanap, ang normal na pamumuhay, tulad  nang  pagkain […]

  • ‘Deepfake’ videos, dumarami, PNP cybercrime group nababahala

    NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online.     Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na guma­gamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.     Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial […]

  • Emosyonal na ibinahagi ang huling pag-uusap: BOY, dream na ma-interview si MIKE pero ‘di natuloy

    EMOSYONAL na ibinahagi ni Boy Abunda ang ilan sa mga naging huling pag-uusap nila ng yumaong kaibigan na si Mike Enriquez sa isang espesyal na episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’.     Sa nasabing episode, madamdaming ikinuwento ng host ng programa ang huling pag-uusap nila ng batikang broadcaster noon bago siya magbalik sa […]