Valenzuela City, nakatanggap ng road lot donations
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng road lot donations mula sa Don Tino Realty & Development Corp. at We Enterprises & Contractors, Inc. kung saan mismong si Mayor WES Gatchalian ang tumanggap ng Transfer Certificate of Title ng nasabing mga lote sa ginanap na turnover ceremony.
Ayon kay Mayor Wes, ang nasabing mga lote ay magsisilbing karagdagang mga lupain para magamit sa road development sa Barangay Marulas at Coloong.
Ang naturang road land donations ay orihinal na pagmamay-ari ng mga nabanggit na corporations para sa kanilang housing projects na Villa Dulalia Fatima Homes, Wellington Homes, at Willshire Homes na matatagpuan sa Barangays Marulas at Coloong.
2,743 square meters mula sa Villa Dulalia Fatima Homes, at 2,317 square meters mula sa Willshire Homes, habang 1,631 square meters naman mula Wellington Homes ang mga parcel ng road lands na binigay sa Valenzuela LGU sa bisa ng Resolution Nos. 2316, 2317, at 2318, respectively.
Noong December 6, 2021, ipinasa ng City Council ang Resolution Nos. 2316, 2317, and 2318, Series of 2021, na nagpapahintulot sa alkalde ng lungsod na tanggapin ang mga road donations mula sa nasabing mga pribadong corporations.
Samantala, nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng plaques of appreciation sa Don Tino Realty & Development Corp. at WE Enterprises & Contractors, Inc. bilang pasasalamat sa kanilang bukas-palad na donasyon ng land parcels.
Kasama ni Mayor WES sa turnover ng donation titles si Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Council, WE Enterprises and Contractors, Inc. Vice President Marvin Gan, Don Tino Realty & Development Corp. Chairman Florentino Dulalia, President Jexter Dulalia, at kanilang mga team. (Richard Mesa)
-
Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19
INIUTOS ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan. Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection. […]
-
Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra
MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong. Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan […]
-
MAVY, dream come true na makapareha ang ‘kaibigan’ na si KYLINE
DREAM come true para kay Mavy Legaspi ang makapareha si Kyline Alcantara sa very first Kapuso teleserye niya na I Left My Heart In Sorsogon. “Nabanggit ko nga in my past interviews na si Kyline talaga ‘yung gusto kong makasama sa isang serye, sa first serye ko ever ’cause of the relationship that […]