• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU, pinasinayaan ang bagong gusali ng PLV-CPAG

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-401st Founding Anniversary ng Valenzuela City, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang bagong gusali ng sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV)-College of Public Administration and Governance (CPAG).

 

 

Ang makabagong gusali ng CPAG ay matatagpuan sa dating pangunahing gusali ng PLV, na may kabuuang lugar na 1,246 metro kuwadrado. Ang 255 Million, 8-storey building ay naglalaman ng 25 classrooms, 2 computer laboratories, lecture hall, moot court, library, dean’s office, 2 faculty rooms, clinic, multi-purpose room, at iba pa.

 

 

Sa kanyang mensahi, sinabi ni Mayor WES “Ang bagong gusali ay higit pa sa bato at bakal… Ito ay isang patunay ng aming dedikasyon sa pamumuhunan sa isip, puso, at kinabukasan ng mga mag-aaral na lalakad sa mga bulwagan na ito…. Binubuksan namin ang mga pinto sa isang legacy, isang kinabukasan na binuo sa mga halaga ng pamumuno, disiplina, transparency, at mabuting pamamahala”.

 

 

Kinilala rin ng alkalde si Senator WIN Gatchalian sa pagsuporta at pagtulong sa lungsod sa pagpopondo sa gusali ng PLV-CPAG.

 

 

Sa kabilang banda, binati ng panauhing pandangal na si dating DILG Secretary Benhur Abalos ang Valenzuela sa pagbibigay prayoridad sa edukasyon at binanggit din niya na ang benchmark ng good governance ay nasa Valenzuela City.

 

 

Ang PLV ay binuksan bilang isang pampublikong paaralang tersiyaryo na pinondohan ng lungsod noong 2002, at kasalukuyang ipinagdiriwang ang ika-22 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

 

 

Nagsimula sa 450 na mga mag-aaral lamang, ang PLV ay mayroon na ngayon 12,000 mga mag-aaral at 572 dito ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Public Administration.

 

 

Sa katunayan, isang world-class na unibersidad na may mataas na mapagkumpitensyang mga mag-aaral, ang PLV ay isa ring tahanan ng mga licensure exam topnotchers and achievers.

 

 

Kamakailan, nakakuha ang PLV Social Workers ng 100% institutional passing rate para sa 2024 Licensure Examination for Social Workers.

 

 

Dumalo rin sa event sina Vice Mayor Lorie Natividad Borja, 2nd District Congressman Eric Martinez, City Councilors, DILG – Valenzuela Director Sudi Valencia, PLV President Dr. Nedeña Torralba, at PLV-CPAG Dean Dr. Michville Rivera. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor

    MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon.   Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World […]

  • KELLEY DAY, ready nang mag-compete sa ‘Miss Eco International 2021’ sa Egypt

    READY nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April.     Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant.   […]

  • “MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING – PART ONE” GOES FULL THROTTLE WITH NEW TRAILER

    TIME for a new mission. Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One, starring Tom Cruise, opens across Philippine cinemas July 12. Watch the trailer:  YouTube: https://youtu.be/iIMqgt3dSCE Facebook: https://fb.watch/kAyQYt6i2Z/ About Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One Paramount Pictures and Skydance present a Tom Cruise Production a film by Christopher McQuarrie, Tom Cruise in […]