• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela magtatayo ng Command Center at nagbigay ng 2 SWAT vans

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Lungsod ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ng One Valenzuela Command Center na magsisilbing satellite office ng ALERT sa Barangay Paso de Blas.

 

 

Ang apat na palapag ng gusali na ito ay maglalaman ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO). ), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station, at Radio Tower.

 

 

Makakatulong ang command center sa layunin ng lokal na pamahalaan na itaguyod sa lungsod ang kaayusan at katahimikan.

 

 

Kasabay nito, nagturn-over din si Mayor WES ng mga service vehicle sa Valenzuela Police at sa Brgy. Gen. T. de Leon at dalawang van para sa Special Weapon ang Tactics (SWAT) team.

 

 

Ang dalawang SWAT van na ito ay partikular na idinisenyo upang mag-imbak ng kanilang mga kagamitan o arsenal para bigyang kapasidad ang mga tauhan ng SWAT na tumugon nang mabilis sa mga high-risk na misyon.

 

 

May jump seat sa likuran ng passenger area, bench seats na may aluminum cabinet, pin lights, mga cabinet na may arm racks, overhead grab handle, roof rack para sa sniper, grill bars sa magkabilang gilid ng bintana, grab bars at foothold, run flat na gulong at mags, blinkers, sirena at 360-degree camera na may monitor ang SWAT vehicles.

 

 

Habang ambulansiya naman ang naipamahagi ng pamahalaang lungsod sa Brgy. Gen. T. de Leon bilang karagdagang sasakyan sa pagkakaloob ng serbisyo. (Richard Mesa)

Other News
  • “Ghostbusters: Frozen Empire” Makes Spectacular Debut Topping U.S. Box Office with $61M Global

    “Ghostbusters: Frozen Empire” makes a spectacular debut, topping the U.S. box office and marking a $61M global opening, revitalizing the franchise with its unique blend of humor and supernatural adventure. In an electrifying opening weekend, “Ghostbusters: Frozen Empire” has not only topped the U.S. box office charts but also propelled the beloved Ghostbusters franchise past […]

  • Ex-President Estrada itinakbo sa pagamutan matapos magpositibo sa COVID-19

    Itinakbo sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19 si dating pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.     Ayon sa kaniyang anak na si dating senator Jinggoy Estrada na nanghihina ang dating pangulo kaya ito itinakbo sa pagamutan nitong Linggo.     Bagamat stable ang kalagayan ng 83-anyos na si Estrada ay patuloy ang […]

  • NAIA glitch ‘di cyber attack – CAAP

    MALABONG cyber-attack ang naging dahilan ng aberya sa air traffic management system (ATMS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Bagong Taon.     Ito ang sinabi ni Civil Aviation Authority of the ­Philippines (CAAP) executive director Manuel Tamayo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.     […]