• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela namahagi ng cash subsidy at groceries sa mga Solo Parents

BILANG bahagi ng paggunita ng Solo Parents’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng cash subsidy, grocery gift certificates at nego-cart sa mga kwalipikadong solo parents na ginanap sa People’s Park Amphitheatre at WES Arena.

 

 

Nasa 4,583 rehistradong solo parents ang pinarangalan at kinilala sa kanilang katatagan sa pagpapalaki ng kanilang sariling pamilya, alinsunod sa City Ordinance No. 1087, Series of 2023, na nagdedeklara sa ikatlong linggo at ikatlong Sabado ng Abril ng bawat taon bilang Solo Parents’ Week at National Solo Parents’ Day

 

 

Sa isang linggong pagdiriwang, namahagi ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong 487 solo parents na nagkakahalaga ng PhP 1 Million sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act o RA 11861.

 

 

Ayon sa batas, ang mga karapat-dapat na solo parents na kumikita ng minimum wage at mas mababa ay may karapatan sa PhP 1,000 cash subsidy kada buwan, kaya ang Valenzuela ang unang Lungsod sa National Capital Region ang namahagi ng nabanggit na benepisyo.

 

 

Bukod sa tulong pinansyal, pinangunahan din ni Mayor WES Gatchalian ang dalawang araw na pamamahagi ng PhP 500 grocery gift certificates sa mga solo parents sa lungsod at mga negosyo cart na tinatawag na nego-carts na nagkakahalaga ng PhP 30,000 bawat isa.

 

 

Ang Valenzuela LGU ay nagpahayag ng kanilang pangako na suportahan ang bawat miyembro ng Pamilyang Valenzuelano lalo na ang Solo Parents, at patuloy na tugunan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang aktibidad at hakbangin.

 

 

Para sa mga solo parent na hindi pa nakapag-parehistro sa Valenzuela, hinihikayat sila ng pamahalaang pungsod na mag-sign up para sa Solo Parent ID kung saan maaari silang bumisita sa City Social Welfare and Development Office sa City Hall, o sa Solo Parents Valenzuela Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Investments mula sa byahe ni PBBM, umabot sa mahigit P4 Trillion —DTI

    UMABOT sa P4.019 trillion o US$72.178 billion ang pinagsama-sama, pinagtibay at pinrosesong investment mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).     Ayon sa departamento, ang mga investments ay nasa iba’t ibang […]

  • Holiday Wins: Transform Your Home with Robinsons Appliances’ Amazing Deals

    THE holidays are all about creating unforgettable moments with family and friends, and what better way to elevate the celebrations than by upgrading your home with top-notch appliances? Whether you’re planning a grand holiday feast, hosting cozy movie nights, or hunting for the perfect gift, Robinsons Appliances has everything you need to make the season […]

  • Natutunan na dedmahin na lang: MARTIN, ‘di pumapatol sa comments pag ‘di totoo

    SEXY actor ang dapat na unang image ni Rob Gomez kaya ang naging unang project niya ay ang sexy drama na ‘A Girl And A Guy’ na pinalabas via Netflix noong 2021. Napapayag si Rob na gawin ang sexy movie para magkaroon ng ingay ang pangalan niya. Kaya wala siyang takot na gawin ang mga […]