• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela pangalawa sa NCR Top Performing LGUs sa Local Revenue Generation

MULING kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance ang Valenzuela City para sa tax collection efficiency ranking nito sa Fiscal Year 2021 sa ginanap na pagdiriwang ng BLGF’s 35th Anniversary sa Philippine International Center (PICC).

 

 

Ito’y matapos masungkit ng lungsod ang pangalawang Performance Area (PA) Nos. 2 — Collection Efficiency of Locally Sourced Revenues, at 3 — Year-on-Year (YoY) Growth in Locally Sourced Revenues.

 

 

Ang data ay batay sa mga ulat ng Q4 FY 2021 Statement of Receipts and Expenditures (SRE) na isinumite ng mga Local Treasurer, noong Marso 31, 2022, alinsunod sa BLGF MC No. 08-2015 na may petsang 21 Abril 2015, at ang pagsusuri nito at ang kasunod na pagproseso nito ay ginawa ng Bureau’s Local Financial Data Analysis Division (LFDAD).

 

 

Tinanggap ni Mayor WES Gatchalian ang awards, kasama si Ms. Adelia E. Soriano, City Treasurer and Atty. Cecilynne R. Andrade-Aboganda, City Assessor.

 

 

“Sama-samang efforts naman (ito) ng Lungsod ng Valenzuela. Tulong-tulong ang mga tao, tayo, sa pagkamit nitong mga awards kaya nakakatuwang patuloy (ang) pag-recognize sa atin (ng BLGF).” ani Ms. Soriano.

 

 

Ang Certificates of Recognition ay ibinibigay sa mga kinauukulang LGU, kabilang ang mga awardees ng Local Revenue Generation Hall of Fame — isang karagdagan regular performance awards alinsunod sa direktiba ng Secretary of Finance na inilunsad ng Bureau ang espesyal na kategoryang ito para sa mga LGU na mahusay na nakamit ang huwarang pagganap sa lokal na koleksyon ng kita sa nakalipas na tatlong magkakasunod na taon sa bawat lugar ng pagganap.

 

 

“Another achievement from my last year as Mayor. We couldn’t have done it without the help of our Valenzuelano taxpayers! Congratulations to us and again, maraming salamat sa ating Valenzuelano taxpayers! Sa pagkakaisa, tuloy ang progreso!” pahayag naman ni Congressman REX Gatchalian. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, lumikha ng special committee para protektahan ang human rights sa Pinas

    BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang special committee para mas palakasin ang human rights protection at promosyon sa bansa.     Base sa Administrative Order No. 22, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ay nilikha, inatasan na panatilihin ang inisyatiba at nagawa ng […]

  • ANGELINE, nagiging emosyonal pero nag-let go na dahil mas peaceful na ang namayapang ina

    NAGING emotional si Angeline Quinto nang sariwain ang alaala ng kanyang namayapang ina sa contract signing cum presscon ng kanyang bagong endorsement na Ayesha Beauty Products noong Biyernes ng hapon sa Romulo’s Café.     Aminado si Angeline na masyadong siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kanyang ina.     “Pero sinabi ko kay Mama na […]

  • James Delos Santos may 10 gold medal na ngayong taon

    Mayroon ng 10 gold medal sa e-kata ngayong taon si Filipino karateka James Delos Santos.     Nakuha nito ang ika-sampung medalya ng hindi tinanggap ng mga tournament officials ang video entry ng kaniyang katunggali mula sa South Africa.     Dahil sa hind pumasa ang video ni Cerone Biagoni sa gold medal round ay […]