• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Validators, ide-deploy para sa food stamp program-DSWD

NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.

 

 

Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- to four-year run kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng karagdagang pagkain para sa mga tinukoy na isang milyong food-poor families, o limang milyong indibiduwal.

 

 

“We already hired the needed staff in our areas of implementation, 10 regions po ‘yun and 21 provinces na 300,000 ‘yung families ang ating target,” anito.

 

 

Sinabi pa ni Punay na ang ahensiya ay mag ha-hire ng mas mababa sa 1,000 validators sa mga pangunahing lugar.

 

 

Aniya pa, ang pilot implementation, kabilang ang 3,000 na pamilya ay nagsimula noong nakaraang Disyembre at nakatakdang tapusin ngayong buwan.

 

 

Ang pondo sa pamamagitan ng $3-million grant ay mula sa Asian Development Bank (ADB), ang programa na magbibigay ng electronic benefit transfer (EBT) cards na may kargang food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para pambili ng piling nakalista na food commodities mula DSWD-registered o accredited retailers.

 

 

Ang bulto ng food credits ay nakalaan sa carbohydrate-rich foods ghaya ng bigas na P1,500, 30% para sa protina gaya ng kartne na P900, at 20% para sa prutas at gulay, oil, asin, at magingcondiments na P600.

 

 

Sa kabilang dako, tatakbo ang programa ng hanggang 2027 at nangangailangan ng P40 billion, target kasi nito ang isang milyon na food-poor families o iyong mga kuimikita na mas mababa sa P8,000 kada buwan.

 

 

Samantala, unti-unti namang itataas ng DSWD ang bilang ng mga benepisaryo mula 300,000 sa unang taon hanggang 300,000 sa pangalawang taon at 400,000 sa pangatlong pagkakataon, may kabuuang isang milyon na food-poor household beneficiaries.  (Daris Jose)

Other News
  • P2.3 milyong shabu nasabat sa bebot sa Bilibid

    HIGIT  sa P2-milyon na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad nang tangkang ipuslit papasok sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na Raquel Zuñiga, 33, residente ng Marasaga […]

  • 19th Grand Slam: Djokovic nagkampeon sa French Open matapos talunin si Tsitsipas

    Nagkampeon sa French Open tennis si Novak Djokovic.     Ito ay matapos na talunin niya si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa score na 6-7 (6/8), 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 at makuha nito ang ika-19th Grand Slam sa loob ng apat na oras at 11-minutong laro.     Ang 34-anyos na Serbian player ay unang […]

  • Ads December 28, 2023