• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ValTrace App inilunsad sa Valenzuela

INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19   sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App.

 

Maaari nang bisitahin ang http://valtrace.appcase.net at i-download ang unique QR Code.  Magsisimula naman ang No QR Code, No Entry sa mga establisyimento sa November 16, 2020, na nakasaad sa City Ordinance No. 783, Series of 2020.

 

Nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa Appcase Inc. para i-develop ang ValTrace Application. Ang mga indibidwal ay kailangang magrehistro bilang “citizen” sa ValTrace application sa pamamagitan ng pagsa-signup sa  http://valtrace.appcase.net , at “merchant” naman ang dapat irehistro ng mga establisyemento.

 

Makaraang magrehistro, ang mga indibidwal ay bibigyan ng unique ValTrace-generated QR code na maaari nilang i- store sa kanilang telepono o i-print.  Ang mga establisyemento  ay kailangang mag-install ng ValTrace QR scanner app para mabigyan ng access sa software na magagamit sa pag-scan ng QR code ng mga nagrehistro bago pumasok sa establisyemento.

 

Pagka-scan ng QR code ng rehistradong establisyemento, ang personal na impormasyon ng indibidwal ay ita-transmit sa Valenzuela Central Contact Tracing System sa Mega Contact Tracing Center para sa madaling pag-trace ng mga indibidwal.

 

Libre ang buong proseso ng pagrerehistro at paggamit ng ValTrace App.

 

Lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

 

Hindi papalitan ng QR codes ang paggamit ng Quarantine Pass dahil ito ay ginagamit pa rin sa lungsod kapag papasok sa establisyemento para sa kinakailang paglalakbay.  Isang QR Code lamang ang itatakda bawat tao.

 

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty, gayundin ang mga establisyementong hindi susunod. (Richard Mesa)

Other News
  • NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd

    Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan.   Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan […]

  • Pambihirang internet service, ihahatid ng Starlink sa PH sa lalong madaling panahon

    ANG MABILIS na pag-apruba ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga kinakailangan ng SpaceX-Starlink ay magbibigay-daan sa bansa na tamasahin ang mga pambihirang serbisyo sa internet sa pamamagitan ng Low Earth Orbit (LEO) satellite network constellation na binubuo ng mahigit 1,600 satellite.     Nangangako ang Starlink na maghahatid ng hanggang 200 […]

  • SHARON, at home sa West Coast, kung pwede doon na siya titira; nakapagbakuna na sa US

    MARAMING fans and friends ni Megastar Sharon Cuneta ang natuwa sa Instagram post niya, a few days pa lamang na dumating siya sa Los Angeles, California, pero nakapagpa-bakuna na siya ng Moderna vaccine last May 17.     Say ni Mega, “Vaccinated! Got my first dose of Moderna Vaccine! Thank you so much Nurse Trixia!”  […]