ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.
Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng Valenzuela City, PasigPass ng Pasig City, Bantay COVID-19 ng Antipolo City at Manda Track ng Mandaluyong City.
Hindi na kailangang mag-download ng hiwalay na QR code para sa apat na lungsod dahil ang mga QR code na nakarehistro at ginagamit sa isang lungsod ay maaaring magamit sa naturang mga lungsod na kasama sa kasunduan.
Sinimulang ipatupad ng Valenzuela noong Oktubre 05, 2020, ang ValTrace QR code na napatunayang mahusay at mabisang paraan ng pagtingin sa mga COVID-19 exposures at mga contact ng isang pasyente.
Kailangan mayroon ang lahat ng mga mamamayan ng sariling ValTrace QR codes at para sa mga negosyo na i-scan ang mga QR code ng lahat ng mga pumapasok sa establishimento.
Ginagamit na rin ng Valenzuela ang ValTrace QR codes para sa kanilang VCVax COVID-19 Vaccination registration.
Ang Valenzuela ValTrace ay isinama sa PasigPass ng Pasig City noong Disyembre 07, 2020 at sa Antipolo City’s Bantay COVID-19 na epektibo noong Enero 10, 2021 habang nakakonekta ito sa MandaTrack ng Mandaluyong nitong Marso 1.
Inaasahan ng mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod na mas marami pang local government units ang sasali sa digital contract tracing solution sa pamamagitan ng paggamit ng QR codes. (Richard Mesa)
-
Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM
NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite. Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila. Para […]
-
Kontrata para sa pinakamalaking railway line sa bansa, pinirmahan na
PUMIRMA ang bansa ng mga kontrata para sa pagtatayo ng isang railway project sa Southern at Central Luzon na tinaguriang “pinakamalaking railway line.” Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 147-kilometers North-South Commuter Railway Project, na magkakaroon ng 35 istasyon at 3 depot, ay inaasahang magbabawas ng oras ng paglalakbay mula Calamba, Laguna […]
-
DepEd, tinitingnan ang ‘flexi’ implementation ng Matatag Curriculum
PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum ng ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa. Nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng dumagsang panawagan na alisin na ito. “However, the agency […]