• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Van rental owner niratrat ng nakaalitan sa pustahan sa bilyar, todas

DUGUANG humandusay ang katawan ng 37-anyos na van rental owner matapos pagbabarilin ng ka-barangay na nakaalitan niya sa pustahan sa larong bilyar sa Caloocan City.
Sa ulat nina P/SSg. Aldrin Mathew Matining at P/Cpl. Ariel Dela Cruz kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang si alyas “ Mark”, ng Tambakol St. Brgy. 26 at suspek na si alyas “Jeday” habang nanonood ng larong bilyar sa Marcela billard hall matapos hindi magkasundo sa kanilang pagpupustahan, dakong alas-6:36 ng umaga.
Nagawa namang maawat ang dalawa at sinamahan pa ng isa si alyas Jeday palabas ng bilyaran subalit, sumunod sa kanila ang biktima at dito na siya binaril sa dibdib ng suspek.
          Tinangka pang tumakbo ng biktima subalit, hinabol siya ng suspek at paulit-ulit na binaril sa likod kahit duguan ng nakasubsob sa bangketa sa harap ng isang resto bar sa A. Mabini St. Brgy. 26 na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
Nakuha ng mga tauhan ng Northern Police District-Forensic Unit (NPD-FU) sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng bala ng kalibre .45 pistola na kanilang isasailalim sa ballistic examination.
Iniutos na ni Col. Lacuesta ang pagtugis sa suspek matapos umeskapo at hindi na abutan ng mga nagrespondeng tauhan ng Tuna Police Sub-Station-1 sa kanyang tirahan sa Int. Dimasalang St. Brgy 26. (Richard Mesa)
Other News
  • First Indian na nanalo at ‘di malilimutan ng mga Pinoy: Miss Universe 1994 na si SUSHMITA SEN, nag-celebrate ng kanyang 28th anniversary

    MASAYANG-MASAYA ngayon ang StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava dahil nasimulan na raw ang bahay na ipinapagawa niya para sa kanyang pamilya.   Panahon na raw na magkaroon na sila ng sariling bahay pagkatapos ng mahabang panahon na pag-rent ng bahay.   “Ayun po ‘yung isa sa very kinikilig ako kasi […]

  • Confidental files ng OSG, sinigurong ligtas mula sa online breach

    Tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na gumagawa na ito ng hakbang upang siguruhin na mananatiling ligtas ang mga confidential files nito mula sa online breach.     Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na ginagawa na nito ang lahat ng paraan upang maprotektahan ang mga confidential at sensitive information na nilalaman ng […]

  • DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

    SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.     “Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo […]