• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VELASCO INILUKLOK NA SPEAKER NG 186 SOLONS

SA botong 186-0, iniluklok kahapon ng mga kongresista si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker at pataksikin sa puwesto si Taguig –Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa isang sesyon sa labas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

Maaga pa lang ay nagtipon na ang mga kaalyado at supporters ni Velasco sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.

 

Bago ito ay kumalat ang isang manifesto na humihiling sa pagbabalik sa sesyon ng Kongreso at ideklarang bakante ang posisyon ng Speaker.

 

Unang nagmosyon si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na ideklarang bakante ang posisyon na House Speaker na sinegundahan naman nina Reps. Doy Leachon, Jack Duavit, Kristine Singson-Meehan at Kiko Benitez na ni-nominate si Velasco na maging bagong House Speaker kung saan nagkaroon ng nominal voting at 186 ang pumabor.

 

Bago ang botohan sa Speakership ay naghalal na rin ang pro-Velasco supporters ng kanilang bagong Secretary General at Sergeant at Arms.

 

Si Atty. Jocelia Bighani-Sipin ang Secretary General kapalit ni Atty. Jose Luis Montales habang si retired Police Major General Mao Aplasca ang Sergeant of Arms kapalit ni retired Police Deputy Director General Ramon Apolinario.

 

Samantala, agad namang nanumpa si Velasco bilang bagong Speaker sa harap ni Barangay Capt. Allan Franza ng Brgy. Matandang Balara, QC.

 

Nangako si Velasco na agad pagtitibayin ang panukalang P4.5 trillion national budget.

 

Idinepensa naman ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang kanilang ginawang pagtitipon na naaayon daw sa rules at Saligang Batas.

 

Aniya, kung mayroong mayorya at quorum ay maaaring magpatawag ng sesyon ang mga mambabatas at ang sesyon ay maaari rin na gawin sa labas ng Batasan Complex.

 

Gayunman, sinabi ni Deputy Speakers Luis Villafuerte at Neptali Gonzales II na labag sa House rules ang ginawa ng kampo ni Velasco dahil suspendido ang sesyon hanggang Nobyembre 16.

 

Ayon pa kay Gonzales, ang mace na simbolo ng kapangyarihan sa Kongreso ay wala sa kampo nina Velasco dahil nasa pag-iingat ito ng Sergeant at Arms.

 

Ipinunto naman ni Rodriguez na hindi mahalaga ang mace at ang importante ay ang quorum ng mayorya ng mga mambabatas. (Daris Jose)

Other News
  • DILG, hiniling sa Facebook na alisin ang illegal e-sabong accounts

    NANAWAGAN ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na alisin ang ilang pages, grupo at accounts na di umano’y nanghihikayat sa mga Filipino na mag- online cockfighting o “e-sabong”.     Lumiham kasi si DILG undersecretary Jonathan Malaya sa social media giant na humihiling na i-block ang ilang Facebook pages at accounts […]

  • Ads November 4, 2022

  • COVID-19 wala na sa ‘Top 10 causes of death’ sa Pilipinas; DOH nagalak

    WALA  na ang COVID-19 sa listahan ng 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2022, bagay na patunay raw na “kaonti na lang” ang nasasawi rito sa bansa, sabi ng Department of Health (DOH). Ito ang tugon ng Kagawaran ng Kalusugan, Miyerkules, sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pang-11 na lang […]