Velasco nasa likod ng “ouster plot” – Cayetano
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
Tahasang ibinuking ni House Speaker Alan Peter Cayetano na Chairmanship sa ilang Committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa kanyang pamumuno.
Ayon kay Cayetano, “verified” umano ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng kampo ni Velasco at makapagpapatunay dito ang may 20 mambabatas na lumapit sa kanya.
“I don’t think mang-i-intriga ang 20 congressmen, but don’t worry I don’t take it personally,” pahayag ni Cayetano ukol sa isyu ng kudeta.
Nanindigan si Cayetano na bilang bahagi ng coalition block ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kanyang susundin ang napagkasunduan na term sharing kaya hindi na kailangan pa na magkudeta o mangako ng mga posisyon para matiyak lamang ang pwesto.
“He has nothing nothing to worry about. But yes it’s very divisive. ‘Wag nating guguluhin ang present na pagtrabaho ng ating Kongreso kasi naapektuhan ‘yung trabaho eh. But it’s verified, that talagang may mga nag-attempt. So ang advice ko sa mga nasa leadership din, mga chairman, chairpersons na hindi makapaghintay: If you cannot cooperate with the present leadership, umalis muna kayo sa committees n’yo, sa chairmanship n’yo, bumalik na lang kayo ‘pag Speaker na si Congressman Velasco” giit pa ni Cayetano.
Nagbanta rin si Cayetano sa mga kaalyado ni Velasco sa Kamara na patuloy na gagamitin ang isyu ng budget at ABS-CBN franchise at patuloy na mananabotahe na tumigil na ang mga ito.
“If you want work with me, walang personalan, kahit hindi ako ang gusto n’yong Speaker, let’s do it. Pero you want to sabotage or papabango n’yo ‘yung inyong manok o kandidato, umalis muna kayo bilang chairman, balik na lang kayo kapag nakaupo si Congressman Velasco”giit pa nito.
Dagdag pa ni Cayetano na kung tuloy tuloy pa rin ang gagawing pananabotahe sa kanyang termino ay mapipilitan na syang alisin ang mga ito.
SAMANTALA, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung mapapalitan man bilang House speaker si Cayetano, ito’y sa pamamagitan ng napag-usapang term sharing sa leadership ng House of Representative.
Ang umugong na usapin hinggil sa nasabing ouster plot ay tila paghamon lamang ni Cayetano sa mga kapwa mambabatas na kung sa tingin ng mga ito’y di siya epektibo bilang speaker ay malaya silang patalsikin sya sa pwesto.
Subalit, sinabi ni Sec. Panelo na base sa kanyang impormasyon, mayorya ng mga kongresista ay satisfied sa pamununo ni Cayetano.
Kaya nga walang katotohanan ang sinasabing ouster plot laban kay Cayetano lalo na’t karamihan sa mga mambabatas ay sang-ayon sa mga ginagawa ng House Speaker. (Daris Jose)
-
P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso
UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, […]
-
Ads August 21, 2024
-
Waging Best Actor sa 19th Cinemalaya para sa ‘Tether’: MIKOY, naging emosyonal nang tanggapin ang Balanghai trophy
NAGWAGI si Mikoy Morales bilang Best Actor Award sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival nitong Linggo para sa pelikulang “Tether.” Ginampanan ng Sparkle actor ang karakter ni Eric, isang aroganteng playboy sa pelikulang “Tether,” na idinerek ni Gian Arre. Hindi napigilan ni Mikoy na maging emosyonal nang tanggapin ang […]