• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE

KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan si Salvador Dacer, Jr. ng Blk 04, Lot 10, Phase 1C, Brgy. NBBS Kaunlaran na paglabag sa umiiral na ordinansa subalit, nagalit ito at nilait pa ang mga barangay opisyal.

 

Ang hindi alam ni Dacer, may kasamang mga pulis mula sa Navotas Police Sub-Station 4 ang mga nagrorondang barangay official na nakakita sa kanyang pagwawala sa kanto ng Buwan-Buwan at Espada Sts. kaya’t kaagad siyang inaresto.

 

Ani Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, araw at gabing nagsasagawa ng pagroronda ang kanyang mga tauhan, katuwang ang mga opisyal ng barangay upang sitahin ang mga pasaway na patuloy na gumagala sa lansangan ng wala namang mahalagang pakay na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng hawahan ng mapanganib na sakit na COVID-19.

 

Iprinisinta na ng mga pulis sa piskalya si Dacer para sa inquest proceedings kaugnay sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents. (Richard Mesa)

Other News
  • Doon na magsi-celebrate ng mag-Pasko at Bagong Taon: Pambato ng ‘Pinas na si CELESTE, nasa US na bilang paghahanda sa ’71st Miss Universe’

    NASA US na si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi para sa kanyang paghahanda sa 71st Miss Universe na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana.     Sa US na mag-Pasko at Bagong Taon si Celeste dahil sa magiging schedule of activities ng Miss Universe pagpasok ng January 2023.     […]

  • DBM, naglaan ng P2.2 bilyong piso para sa mga programa ng DoE sa taong 2023

    NAGLAAN ang  Department of Budget and Management (DBM)  ng P2.2 bilyong piso para sa tustusan ang  iba’t ibang programa ng Department of Energy (DOE) para sa taong  2023.     Sinabi ng  DBM na ang nasabing halaga ay “in line with the government’s bid to ensure affordable and clean energy supply in the country.”   […]

  • 2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

    Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.     Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na […]