• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VENDOR NA TRIGGER HAPPY KALABOSO

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang ice vendor matapos arestuhin ng pulisya makaraang magpaputok ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Henry Gososo, 40 ng Block 7G Lot 3 Phase 3A1, Brgy. Longos.

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Diego Ngippol at PCpl Michael Oben, nakatanaggap ng tawag sa telepono mula sa Brgy. Longos ang Station Intelligence Section hinggil sa napaulat na indiscriminate firing sa Block 8 Teachers Village Pampano St. Brgy. Longos.

 

Kaagad nirespondehan ng mga pulis sa pangunguna ni PLT Joel Aquino ang naturang report kung saan nagsagawa ang mga ito ng round the clock surveillance sa naturang lugar hanggang makarinig sila ng putok ng baril malapit sa kanilang puwesto alas-5:50 ng hapon.

 

Nang biripikahin ng mga pulis ay nakita nila ang suspek na may bitbit na baril kaya’t agad nila itong inaresto at nasamsam sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat nab ala at dalawang basyo ng bala.

 

Kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearm) ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]

  • 1,992 pangalan, pinasisilip ng Kamara sa PSA

    HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority (PSA), na beripikahin ang civil registry records ng 1,992 indibidwal na sangkot sa P500 milyong confidential funds na ginastos umano ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamunuan ni Vice President Sara Duterte.       “May we […]

  • LTFRB: Walang consolidation, walang prangkisa ang jeepneys, UV Express

    ISANG memorandum ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalaman kung saan ang mga operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan ng mag operate kung  hindi sila lalahok sa isang kooperatiba o magtatayo ng korporasyon.       Binigyang hanggang June 30 ang mga operators na […]