• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Venue ng opening ceremony ng Paris Olympics pinag-aaralang ilipat

Pinag-aaralan ngayon ni French President Emmanuel Macron ang paglilipat ng lugar ng opening ceremony ng Paris Olympcs.

 

 

 

Sinabi nito na mula sa River Seine ay maaring gawin na lamang ito sa Stade de France o Stadium gaya ng ordinaryong ceremony.

 

 

 

Inoobserbahan pa kasi ng mga otoridad ang lugar kung magkakaroon ng problema sa seguridad ay tiyak na sa loob ng stadium na nila ito gagawin.

 

 

 

Inaasahan kasi na mahigit 10,000 na atleta ang maglalayag sa anim na kilometrong katubigan ng Seine river lulan ng 160 barges.

 

 

Sa unang plano ay pinayagan ng organizers ang nasa 600,000 na mga katao ang manonood ng ceremony sa gilid ng ilog hanggang ito ay binawasan at ginawang 300,000 katao lamang.

 

 

 

Hindi na bibigyan ang mga turista ng free access na makapanood ng ceremony at sa halip ay magiging by-invitations na lamang ang tickets.

 

 

 

Itinaas ng mga otoridad ang security alerts matapos ang banta ng Islamic State group sa Champion League quarter-finals football matches sa Paris, Madrid at London.

 

 

 

Pagtitiyak naman ni Macron na mayroon mga nakalatag silang Plan B at C sakaling lumala ang security threats.

Other News
  • Antonio, 3 pa kakasa sa LGBA

    PAMUMUNUAN ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng 2020 LGBA Cocker of the Year series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28.   Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang mahigit P1M sa 4-cock finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Sasali rito si sabong idol Patrick Antonio, na […]

  • Ikalawang fuel subsidy sa PUV drivers, nakakasa na

    ILALABAS na sa susunod na buwan ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidy para sa public transport drivers at delivery riders, gayundin sa diskwento para sa sektor ng agrikultura.     Ayon kay acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda, isa pang P2.5 bilyon ang inilaan para sa subsidiya ng public utility vehicle (PUV) drivers […]

  • Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’

    DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City.     Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan […]