• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VEP, nais na mapabilang ang persons with comorbidities sa mabibigyan ng 2nd booster

NAIS ng Vaccine Expert Panel (VEP) na makasama sa mabibigyan ng  2nd booster  ang mga persons with comorbidities.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni VEP chairperson Nina Gloriani na ang taong mayroong dalawa o higit pang sakit ay  “similarly vulnerable” sa malalang sakit na  coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

 

“We agree, we actually recommend na ‘yong mga may comorbidities (masama) kasi hindi rin natin malaman ano ang level ng immunocompromised na tinatawag sa comorbidity,” anito.

 

 

Tinukoy ni Gloriani ang kamakailan lamang na pag-aaral na nagpapakita na ang mga taong mayroong dalawa o higit pang sakit gaya ng diabetes at chronic respiratory illness, ang level ng immunocompromise ay mataas.

 

 

“Mas mataas ang immunocompromise ng taong ‘yon so kailangan nating ma-consider ‘yon sa pagbibigay ng second booster as well. Hindi necessarily sinabi nating parang wala siyang immunocompromise, kailangan malaman natin ‘yong medical status plus how many ba ‘yan,” anito pa rin.

 

 

Sa kasalukuyan, ang  immunocompromised persons na eligible para sa second booster ay kinabibilangan ng mga taong mayroong cancer, HIV/AIDS, primary immunodeficiency,  umiinom ng immunosuppressants, at mga nakatanggap ng organ transplant.

 

 

Samantala, batay sa pinakabagong data mula sa  Department of Health, makikita rito na pumalo na sa mahigit sa  580,000  ang eligible population, kabilang ang  healthcare workers at senior citizens na nakatanggap ng karagdagang boosters. (Daris Jose)

Other News
  • P31M inilaan ng DOST para sa 5 commodities, food security

    Naglaan ang Department of Science and Technology (DOST) ng karagdagang P31.6 milyon para sa food security research and development (R&D) projects na sumasakop sa limang commodities.   Sa isang online interview, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na bukod ito sa P36 million na inilaan ng DOST para sa mga proyekto na sumusuporta sa […]

  • South Korea, nag-alok na i- rehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant-Research institute

    DAPAT na ikunsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang alok ng South Korea na i-rehabilitate o ayusin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na makatutulong na mapalakas ang power capacity ng bansa.     Sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla na ang alok ng South Korea na i-rehabilitate ang planta ay nagkakahalaga ng […]

  • Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans

    Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108.     Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi.     Inaasahang dalawa pang games ay […]