• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anthony Davis, sumabak na uli sa ensayo; makakasama rin ng Lakers sa seeding games opener vs Clippers

Makakasama na ng Los Angeles Lakers si superstar Anthony Davis sa kanilang seeding games opener kontra sa karibal nilang Los Angeles Clippers.

 

Una rito, hindi nakasama si Davis sa ensayo ng Lakers nitong nakalipas na araw matapos ang natamo nitong eye injury sa isa sa mga scrimmage ng koponan.

 

Pero ngayong bisperas ng pagpapatuloy muli ng mga laro sa NBA season, nakahabol si Davis para makasali sa team practice.

 

Kapansin-pansin din ang pagsusuot ng 6-foot-10 forward ng protective eyewear.

 

Ayon kay Davis, matapos na makasama ito sa full practice ng team, sasailalim itong muli sa evaluation ng mga doktor para masuri kung maaari na ba itong makapaglaro.

 

Batay din aniya sa plano ng koponan, sasalang ito sa kanilang showdown ng Clippers bukas, araw ng Biyernes (Manila time).

 

“That’s the plan,” wika ni Davis. “I’ll get evaluated again tonight by one of the doctors here and kind of get an update from them.

 

“That’s the plan, for me to play.”

Other News
  • Ads February 20, 2020

  • Libreng sakay posibleng maibalik ngayong 2023

    INAASAHANG maibabalik ngayong taong 2023 ang libreng sakay, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).     Ayon kay LTFRB technical division head Joel Bolano na sa kasalukuyan ay inihahanda ng Department of Transporation ang guidelines para sa libreng sakay.     “May nakalaan namang budget para rito kaya lang sa ngayon pina-finalize […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students.     Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance.     Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at […]