
MAGANDA nga raw ang pasok ng 2025 para kay Nikki Valdez dahil nakasama siya sa malaking cast ng action-serye na ‘Lolong: Bayani Ng Bayan’ ng GMA Public Affairs.
Nagpapasalamat ang Kapamilya actress sa pagkakataong makapagtrabaho ulit sa Kapuso Network after ng 2023 teleserye na ‘Unbreak My Heart’ na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN 2.
“Nakakatuwa lang kasi the the inquiry came through Star Magic. So, at least ito, may chance na makalipat-lipat ng network.
“At saka kami naman mga artista, magkakaibang bakod man kami nagtatrabaho pero magkakaibigan naman kami.
“Kasi isa lang ang mundo na ginagalawan natin. Tayo-tayo lang ‘yung nagkikita, di ba?”
Bukod sa Lolong, bumalik din si Nikki sa kanyang first love which is singing and performing onstage. Magbibida ito sa local adaptation ng 2009 Broadway musical titled ’Next To Normal’ sa February 2025 at the Power Mac Center Spotlight Blackbox Theater in Circuit Makati.
Kasama ni Nikki sa musical sina Sheila Valderrama-Martinez, OJ Mariano, Sheena Belarmino, Vino Mabalot, Omar Uddin, Benedix Ramos and Floyd Tena.
Gagampanan ni Nikki ang role na Diana Goodman, a mother who struggles with bipolar disorder and how it affected her family. The role was originally played on Broadway by Alice Ripley.
Sa tulong daw ng production staff ng Lolong ay nagawa raw mapagsabay ni Nikki ang taping at ang rehearsals niya para sa Next To Normal.
“Nakakapag-rehearse ako and nakakapag-taping ako. Kaya malaking pagpapasalamat ko na kaya palang i-traffic ang schedule ko.”
***
NAGBIGAY na ng ilang updates si Kapuso Morning Sunshine Shaira Diaz sa wedding plans nila ng fiancé at kapwa aktor na si EA Guzman.
Ayon pa sa leading lady ng ‘Lolong: Bayani Ng Bayan’, ang gown na gagamitin niya ay manggagaling sa Korea.
“Kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila, mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, sa BTS, kay Jung Kook, so parang gusto ko lagyan talaga ng ‘yung something very personal sa ‘kin.”
Pinili nila ni EA na gawin ang kanilang kasal sa Silang, Cavite dahil “tahimik, away from the noise,” at sinabing dream church wedding niya ang gagawin nila.
“Very intimate lang po, close friends and family,” sabi ng aktres.
Pagdating naman sa mga entourage, ilan sa mga binanggit ni Shaira ay sina Arra San Agustin, ‘Unang Hirit’ co-hosts niya na sina Kaloy Tingcungco at Anjo Pertierra, at aktres na si Julia Montes.
Pagbabahagi rin ni Shaira na tahimik lang ang kanilang wedding preparations dahil hinahayaan lang siya ni EA magdesisyon para sa kanilang kasal. Tuwing may nakikita siyang ideya na gusto niyang isama sa kanilang kasal, ipapadala lang niya ito kay EA at papayag na ito.
***
AFTER two weeks ay nagsalita na ang mister ng pumanaw na Broadway star and TV actress na si Linda Lavin. Sumakabilang-buhay si Lavin noong December 29 dahil sa lung cancer. She was 87.
Ang mister ni Lavin of 20 years na si Steve Bakunas ay hirap tanggapin ang biglaang pagpanaw nito. Um-attend pa raw sila ng isang red carpet event at nakapag-taping pa raw si Lavin para sa sitcom nito na Mid-Century Modern bago sumapit ang Pasko.
Huling habilin daw ni Lavin bago ito nalagutan ng hininga ay: “Honey, I want you to live your life. If I die, I want you to know that I love you so much.”
Sumikat si Lavin dahil sa pagbida nito sa ‘70s hit sitcom na Alice kunsaan nanalo siya ng isang Emmy at dalawang Golden Globe awards. Nanalo naman siya ng Tony Award para sa stage play na Broadway Bound in 1987. Huli siyang napanood sa 2024 Netflix series na No Good Deed at sa 2021 movie na Being The Ricardos.
(RUEL J. MENDOZA)