• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VFA OUT

NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice.

 

Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang mapagkasunduan ang VFA at ngayon ay namiminto nang matapos.

 

Nag-ugat ang termination ng VFA makaraang kanselahin ng US ang visa ni Senador Ronald dela Rosa noong nakaraang buwan. Nagalit si Duterte sa ginawa- kay dela Rosa kaya bilang protesta, inaprubahan niya ang termination ng VFA. Minura pa ng Presidente ang US dahil masyado raw bastos.

 

Marami naman ang nabahala sa pag-terminate sa VFA, hindi raw sana naging pabigla-bigla ang gob-yerno sa pagpapatigil sa VFA. Marami namang nagawa sa bansa ang VFA, hindi lamang sa pagbi-bigay ng bagong kaalaman sa Philippine troops kundi pati na rin sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

 

May punto ang mga nagsasabi na kailangan ng bansa ang VFA o ang presensiya ng US troops laban- sa mga nagtatangka. Pero dapat din namang tingnan kung nasusunod ba ang nasa kasunduan ng VFA o dapat rebyuhin sapagkat may mga mali rito.

 

Mapuproteksiyunan nga ba ng US ang bansa sakali’t magkaroon ng sigalot sa rehiyon? Natutupad ba ang nasa kasunduan na bibigyan ng mga bagong barko at eroplano?

 

Tila hindi ito natutupad sapagkat pawang segunda mano ang dinadala rito na ginamit pa noong World War 2. Kung ganito ang nangyayari, dapat pa bang panatilihin ang VFA.

Other News
  • VP Sara: Panukala ng ACT na mag-hire ng 30K guro, imposible

    TINAWAG  na ‘imposible’ at ‘hindi reyalistiko’ ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang pagha-hire ng 30,000 public school teachers, gayundin ang budget na P100 bilyon kada taon.     Ang pahayag ay ginawa ni Duterte kasunod ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na mag-hire ng 30,000 […]

  • Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona.   Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay.   Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing.   Itinuturing na greatest foot- ball player of all time […]

  • CARLA, parang sinasadya na ipakitang ‘di na suot ang ‘wedding ring’; pag-asang sila pa ni TOM tila gumuho na

    PALAISIPAN sa mga netizens kung bakit daw sa latest picture na pinost ng Kapuso actress na si Carla Abellana ay wala na itong suot na wedding ring.           Mainit pa sa lahat sina Carla at Tom Rodriguez kaya bawat gawin nila o i-post, nabibigyan talaga ng kulay. Ang mga fans nila ay parang […]