• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VHONG NAVARRO LIPAT NA SA BJMP-TAGUIG

NAKATAKDANG ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang aktor na si Vhong Navarro

 

 

Ito ay matapos na nakatanggap ng National Bureau of Investigation, Security Management Section  (NBI-SMS) ng order  mula sa Regional Trial Court Branch 69.

 

 

Nakasaad sa nasabing order na lilipat na ng kulungan ang aktor mula sa kostudiya ng NBI patungo sa  BJMP sa  Taguig City Jail – Male Dormitory, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

 

 

Sasailalim si Navarro sa mandatory  Medical Examination, kasama ang  RT-PCR test, alinsunod sa  health protocol requirements bago ang kanyang paglilipat sa BJMP, Taguig City, ayon pa sa NBI.

 

 

Si Navarro ay nakulong dahil sa isinampang kasong rape  laban sa kanya ng model na si Denice Cornejo na sinasabing ginamitan ng puwersa .

 

 

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang NBI nang tanungin ang eksaktong araw o petsa ng paglipat ni Navarro sa BJMP. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 800K litro ng industrial oil sa lumubog na tanker, puwede pang maisalba — PCG

    KAYA pa umanong maisalba ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno at internasyunal na organisasyon ang nasa 800,000 litro ng industrial fuel na karga ng lumubog na MT Princess Empress.     Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na base sa National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), “intact” […]

  • 3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA

    UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan  ang naturukan laban sa COVID-19.       Sa datos ng Department of Health, nasa  3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation  na nagsimula noong Biyernes       Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group […]

  • PORTASOL: Rain or Shine Drying Partner

    ANG pagpapatuyo sa araw ay isa sa mga pangkaraniwan at tradisyonal na pamamaraan ng pagpapanatili ng pagkain sa Pilipinas. Bagaman ang gastos ng proseso ay medyo mura, ang pagpapatuyo sa araw ay nagiging problema sa panahon ng tag-ulan. Gayundin, ang mga produktong pinatuyo sa araw ay mas madaling kapitan ng kontaminasyon sa mikrobyo dahil sa […]