• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VHONG NAVARRO SUMAILALIM SA PROSESO

PERSONAL na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa proseso ang TV host na si Vhong Navarro.

 

 

Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.

 

 

Ito ay matapos magpalabas ang Taguig Metropolitan  Trial court Branch 116 ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

 

 

Pagkatapos ng proseso ay tutuloy ang mga dokumento sa korte para naman sa pagbabayad ng inirekomendang piyansa na P36,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

 

 

Ayon sa abodago ni Navarro na si Atty.Alma Mallonga, na sila at tatalima ngayong maghapon  at kumpiyansa silang mabibigyan ng piyansa si Navarro .

 

 

Ayon pa kay Mallonga na ang kanyang kliyente ay patuloy na lalaban upang patunayan ang kanyang pagiging  inosente kung saan suportado ng CCTV footage sa elevator sa araw na umanoy nangyari ang insidente.

 

 

Matatandaan na nakuha rin ng NBI ang CCTV footage noong 2014 at sinabi ng ahensya na suportado nito ang pahayag ni Navarro na binugbog siya ng anim na lalaki sa condominium ni Cornejo kaya pinabulaanan ang paratang laban sa TV host.

 

 

” Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi nandito ‘yung legal team ko, nandito ‘yung family ko, nandito yung asawa ko. Ang Panginoon kasama ko dito sa laban na ‘to,” pahayag pa ni Navarro.

 

 

Pinasalamatan din nito ang kanyang mga kaibigan at taga suporta na patuloy na sumusuporta at nanalangin para sa kanya at tiwala siya na maipapanalo niya ang kaso.

 

 

Sinabi ni Navarro na tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa kanyang full time program. GENE ADSUARA

Other News
  • Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games

    PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium.     Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa […]

  • 3 drug suspects timbog sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.     Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay […]

  • Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches

    Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo.     “We would like […]