• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay

ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda!

 

Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga.

 

Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, pero dahil nagkaroon ng pandemic, naantala at yung mga supplies ay hindi rin nai-ship.

 

Industrial ang peg ng bagong bahay o mansion ni Vice kaya more on metal ang gamit. Wala masyadong wood ang 1,800 sq.meters na bahay.

 

Ang walk-in-closet ang pinakamalaking bahagi ng bahay, next to the master’s bedroom. Pero parang lahat naman ng areas, malalaki. Meron din itong sauna & spa na ayon kay Vice, favorite spot na ng kaibigang si Ryan Bang. Pagkalaki-laki at ang bongga rin ng dirty kitchen. May pagtutol ito sa bonggang kitchen dahil sey niya, hindi naman daw sila nagluluto.

 

Puro lang naman daw sila pa-deliver at ang inuulam nila ay mga simpleng pagkain lang, kabilang na ang galunggong.

 

Ang bongga rin ng swimming pool na elevated at glass pool talaga with jacuzzi. May elevator ang bahay na ayon kay Vice, para sa nanay niya bilang mahihirapan na itong umakyat- baba kapag nasa bahay niya.

 

Obviously, kasama ni Vice ang boyfriend na si Ion Perez sa kanyang bahay dahil nabanggit nito sa kanyang vlog na yung isang area na wala pang plano kung ano ang ilalagay, baka raw gawin na lang niyang gym ng boyfriend.

 

Matagal na raw niyang nabili ang property, may pitong taon na ang nakararaan. Para raw ito sa lolo niya na nang mamatay, nawalan na siyang gana na ipagawa.

 

Marami lang daw ang nagsabi na maganda ang lugar na nakuha niya kaya it took years bago siya nagdesisyon na ituloy na ang pagpapagawa nito at three years in in the making ang bagong mansion na ito ni Vice. (ROSE GARCIA)

Other News
  • PVF nanawagan sa POC; LVPI idiskwalipika sa eleksyon

    Muling nanawagan at umapela ang Philippine Volleyball Federation (PVF) kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na rebisahin ang isyu sa volleyball at idiskwalipika ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) sa gaganaping POC election sa Nobyembre 27. Sa sulat ni PVF President Edgardo “Tito Boy” Cantada na may petsang Nobyembre 5, 2020, […]

  • Garantiya ng Malakanyang, may mananagot sa NBP incident; imbestigasyon, nakakasa na

    SINABI ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Karlo Nograles na may isinasagawa ng “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident.     Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente.     “Yes. Of course , mayroon tayong mga procedures na sinusunod diyan kapag nagkakaroon ng ganiyang klaseng mga pangyayari, a […]

  • Ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila, isasara tuwing Linggo

    UMARANGKADA na ang “Move Manila Car-Free Sunday” kung saan sa kabila ng walang tigil na buhos ng ulan ay dinagsa pa rin ng libu-libong indibidwal ang Roxas Boulevard nitong Linggo, Mayo 26.     Nabatid sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na si Atty. Princess Abante, tinatayang aabot sa mahigit 3,000 ang […]