Video nina GRETCHEN at ATONG sa isang sabungan, nag-viral sa social media
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-VIRAL sa social media sa isang video kunsaan nakitang magkasama sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa isang sabungan.
Nai-share ng 5,000 times ang naturang video noong ma-post ito sa Facebook.
Sa naturang video na nakunan noong nakaraang July 30 sa event na 12-Stag Derby (4 Stag Prelim), si La Greta ang may-ari ng pangsabong na manok na ang pangalan ay “Lady Tiger”. Makikita naman daw sa video si Ang na bitbit ang manok ni Gretchen.
Nilagyan ng caption na “relationship goals” ang nag-post ng video nila Gretchen at Atong sa Facebook.
Naging kontrobersyal ang diumanong professional relationship nina Gretchen at Atong. Naging mainit na topic ang dalawa noong magkaroon ng alitan sa pagitan ni Gretchen at ng kapatid na si Marjorie Barretto noong October 2019 sa burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel “Mike” Barretto.
Binunyag pa ni Marjorie noon na boyfriend ng pamangkin nilang si Nicole si Atong for five years bago raw itong inahas ni Gretchen. Pinabulaanan naman ni Atong ang sinabing ito ni Marjorie at sinabi niyang empleyado lang niya ni Nicole.
Ilang beses nang pinaliwanag nina Gretchen sa media na magkasosyo sa ilang mga negosyo si Atong at ng long-time partner niyang si Tonyboy Cojuangco, kabilang na ang pag-operate ng sabungan at ng isang casino. Kaya iyon daw ang dahilan kung bakit sila parating nakikitang magkasama.
Nag-viral din noon ang “sleeping”: photo ni Gretchen kunsaan magka-holding hands pa sila ni Atong habang tulog sila sa business class section ng eroplanong sinakyan nila from San Francisco, California.
Huling nakitang magkasama sina Gretchen at Atong ay noong November 2020 nang kuwestiyunin ang pagbisita nila sa, Iloilo para makipagpulong sa sabong operators at may nagawa silang paglabag sa health protocols.
***
NAHIYA si Beauty Gonzalez sa pag-stalk niya sa social media accounts ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda.
Magkasama sina Beauty at Kelvin sa episode ng Stories From The Heart na ‘Loving Miss Bridgette’ at kasalukuyang nasa lock-in taping na ang buong cast.
Ayon kay Beauty, nag-research daw siya tungkol kay Kelvin dahil sa story conference on Zoom pa lang daw niya nakilala noon ang aktor. Kaya pumunta ito sa mga social media accounts nito at pinanood niya ang pinagbidahan nitong teleserye na The Lost Recipe. Pinanood din niya ang isang pelikula ni Kelvin sa Netflix na Dead Kids.
“Chineck ko na ‘yung Instagram niya, I watched a movie of him na nasa Netflix, pinanood ko na siya. I did a bit of my assignment, my homework. Kasi siyempre it’s my homework also to know my co-actor,” sey ni Beauty.
Nalaman din ni Beauty na tsine-check din pala ni Kelvin ang mga social media account niya.
Sey ni Kelvin: “Sobrang hinahangaan ko kasi siya eh. Kasi sa mga actress sobrang natural niya, technically bagay sa screen ‘yung mga ginagawa niya, very effective.
“Iniisip ko kung paano ko mapapantayan ‘yun. Tsine-check niya rin pala ako, tapos pinakita ko sa kanya.”
Natatawang reaction ni Beauty, “Meron palang gano’n. Oh my gosh! Nakakahiya!”
***
PUMANAW na ang award-winning writer and professor na si Domingo Landicho sa edad 81.
Isa sa nakilalang nobela ni Landicho ay ang Bulaklak Ng Maynila na nananalo ng Carlos Palanca Memorial Awards Grand Prize at ginawang pelikula ng Viva Films noong 1999 kunsaan nanalo ng grand slam best actress si Elizabeth Oropesa.
Sa Facebook binalita ng pamilya ni Landicho ang pagpanaw nito noong nakaraang July 29.
“We thank all those who have been a part of his life. We ask for prayers for the repose of Domeng’s soul,” post ng misis ni Landicho na si Edna May Obien-Landicho.
Nagbigay din ng tribute ang The University of the Philippines Institute of Creative Writing, kunsaan resident si Landicho: “Mang Domeng, from everyone here at the UP ICW, thank you. May you rest in peace.”
Maraming sinulat na plays si Landicho para sa Philippine Educational Theater Association (PETA). Tumanggap siya ng parangal mula sa CCP Balagtas Awards, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.
Sinubukan ding mag-artista noon ni Landicho. Napasama siya sa ilang Filipino actors na nakasama sa kinunang Hollywood film sa Pilipinas na The Year Of Living Dangerously in 1982. Bida rito sina Mel Gibson at Sigourney Weaver.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!
PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules. Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa […]
-
Chavit handang mamagitan sa pamilya Yulo
SA PAGPASOK ng Kapaskuhan ay inalok ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson (gitna) ang kanyang sarili para maging simbolo ng pagmamahal at pagpapatawad sa pagitan ni Paris Olympic hero Carlos Yulo at ng kanyang amang si Andrew (ikalawa mula sa kaliwa), ina na si Angelica (ikatlo mula sa kaliwa) at mga kapatid na […]
-
Thankful at nawindang ng bongga sa pagpayag na mag-guest: ICE, inaming malakas ang loob na mag-ala-REGINE ‘pag lasing
INISA-ISA nga ng OPM icon na si Ice Seguerra sa kanyang sunud-sunod na Facebook at Instagram post ang mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap na ngayong October 15 sa The Theater at Solaire. Para kasi sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na […]