• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games

Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.

 

 

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.

 

 

Sa isinagawang isang oras na virtual meeting ng mga miyembro ng SEA Games Federation ay desidido ang Vietnam na ituloy pa rin ito subalit maraming mga bansa ang hindi sang-ayon dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Itinakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ang SEA Games kung saan plano nila itong ilipat sa Hulyo 2022.

 

 

Nasa walong member countries naman ng SEA Games Federation ang sinubukang hikayatin ang Vietnam na ituloy ang nasabing torneyo.

Other News
  • Stephen Curry, muling gumawa ng record matapos magbuhos 56 pts at 12 3-pointers sa panalo ng GSW kontra Magic

    MULING  gumawa ng record si NBA Superstar Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Orlando Magic, 121 – 115. Nagawa ni Steph na magbuhos ng 56 points sa panalo ng GS at naipasok ang 12 3-pointers mula sa labingsiyam (19) na kaniyang pinakawalan sa kabuuan ng laban. Ito na ang ikatlong pagkakataon na […]

  • Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

    AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.     Ilan sa pangunahing bakanteng […]

  • President Marcos at VP Sara, dumalo sa misa sa unang araw ng trabaho

    DUMALO kahapon ng umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.     Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan.     Pinangunahan ito […]