Vietnam sa Oktubre pa magdedesisyon kung tuloy ang paghawak nila ng SEA Games
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Mayroong hanggang sa susunod na buwan ang Vietnam para pagdesisyunan kung matutuloy ang pagsasagawa ng 31st Southeast Asian Games.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Pres. Abraham “Bambol” Tolentino na binigyan ng SEA Games Federation ang Vietnam para pagdesisyunan kung kanila bang itutuloy o kakanselahin ang nasabing torneo.
Ito rin aniya napag-usapan noong isagawa ang online federation meeting na kinabibilangan ng 11 member countries.
Isang hamon ngayon na kakaharapin ng Vietnam ay dahil mayroong tatlong major Asian at dalawang international competitions sa 2022.
Gaganapin kasi ang Asian Indoor and Martial Arts Games mula Marso 10 hanggang 20 sa Thailand, ang Asian Games naman sa Hangzhou ay gaganapin mula Setyembre 10-25 a ang Asian Youth Games ay gagawin mula Disyembre 20-28 sa Shantou.
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula […]
-
Ex-FIFA President Blatter tinawag na isang pagkakamali ang pagiging host ng Qatar sa FIFA World Cup
TINAWAG na isang malaking pagkakamali ni dating FIFA president Sepp Blatter ang pag-award ng 2022 World Cup sa Qatar. Kasunod ito sa batikos na kinakaharap ng Qatar dahil sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao at ang hindi pagkontra sa same-sex relationship ganun din ang hindi magandang trato sa mga migrant workers. […]
-
‘Wag magpaloko, maging scam alerto!
SA PANAHONG todo-kayod ang mga Pilipino, todo-kayod din ang mga scammers na naghahanap ng mabibiktima ng isa sa mga pinakausong cybercrime ngayon—ang phishing. Ang phishing ay isang uri ng scam kung saan kinukuha ng mga scammer ang mga personal na impormasyon gaya ng Mobile Personal Identification Number (MPIN) at One-Time Password (OTP) upang […]