Vietnamese national na baon sa utang, nagkamatay sa Malabon
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG Vietnamese national ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa problema dala ng isinampang kaso laban sa kanya nang mabaon sa utang dahil umano sa “Online Sabong” sa Malabon city.
Sa report ni investigator on case PSSg Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-10 ng umaga ng February 16, 2022 nang madiskubre ni Romeo Castillo, Jr, 24, waiter ng No.113 Adante Street ang wala ng buhay na katawan ng biktimang si Nguyen Minh Luan alyas Jomar Torres Chua, 35, businessman sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa No. 113 Adante St. Brgy. Tañong.
Kaagad ni-report ni Castillo ang pangyayari sa Malabon Police Sub-Station 6 na rumesponde sa naturang lugar kung saan narekober ng mga ito sa pinangyarihan ng insidente ang isang madilaw na likido sa plastic cup na naglalaman ng umano’y silver cleaner.
Bandang alas-8 ng umaga ng nasabi ring petsa nang huling nakitang buhay ang biktima sa kanyang apartment ng saksing si Daisylyn Samonte, 29, vendor.
Sa panayam sa kanya ni PSSg Caco, sinabi naman ng isa pang saksi na si Gee Kay Legaspi, 42, teller ng Pitmaster On line Sabong na nagkaroon ng maraming utang ang biktima sa iba’t-ibang personalidad dahil sa “Online Sabong” at problemado din aniya ito dahil sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya na nakabinbin sa Office of City Prosecutor ng Malabon. (Richard Mesa)
-
SYLVIA, napagod nang husto kay ‘Barang’ kaya pahinga muna sa pagtanggap ng serye; aminadong tutol sa pagpasok ni ARJO sa politika
SOBRANG napagod si Sylvia Sanchez sa pagganap niya bilang ‘Barang’ sa Huwag Kang Mangamba kaya ang plano niya ay magpahinga muna ng six months to one year bago tumanggap ng bagong teleserye. “I liked the role kaya ko ito tinanggap and I am very thankful to Dreamscape for giving me this role kasi sobrang […]
-
7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV
HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec). Partikular na hinikayat ng PPCRV ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na […]
-
Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID
NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021. Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito […]