VILLAR, BINAY, NAGSUMITE NA RIN NG COCC
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAPAGSUMITE na rin ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) si Las Piñas City Rep. Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay.
Mula noong unang araw, pumalo na sa 53 aspirante sa pagka-senador ang nakapagpasa na ng kanilang COC.
Dalawang partylist naman ang nagpasa ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) na kinabibilangan ng Pinuno partylist at Gabriela partylist sa pangunguna ni Sarah Elago.
Sa kabuuan, nasa 37 partylist group na ang nakapagpasa na rin ng kanilang CON-CAN kung saan inaasahan na mas marami pa ang magtutungo dito sa Manila Hotel Tent City para magpasa ng kanilang sertipikasyon.
Naunang naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination ang Makabayan bloc .GENE ADSUARA
-
DOH: PH gov’t maglalabas ng ‘ventilation guidelines’ sa pagbubukas ng mga sinehan
Nakatakdang maglabas ng bagong guidelines ang pamahalaan para maging gabay ng mga pinahuntulutang nang sinehan na mag-operate sa gitna ng pandemya. Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng ilang establisyemento tulad ng mga sinehan. “One of the safeguards was the […]
-
Nag-promote ng serye at movie nila ni Kathryn: ALDEN, pinasaya ang mga Kapamilya nang mag-guest sa ‘It’s Showtime!’
PINASAYA ni Alden Richards ang mga Kapamilya dahil guest siya ngayong araw ng Sabado, July 13 sa ‘It’s Showtime!’ Ang nakakatuwa pa kay Alden, paglabas niya onstage ay isa-isa niyang bineso ang mga hosts ng naturang Kapamilya noontime show, minus Vice Ganda na wala sa show at nasa Japan yata? […]
-
Buntis na mga batang ina, lumobo – PopCom
NAALARMA ang Commission on Population and Development (PopCom) sa patuloy na pagdami ng mga kabataan na nabubuntis sa murang edad pa lamang. Ayon kay USec. Juan Antonio Perez III, Executive Director ng PopCom, sa kasalukuyan ay nasa edad 10 – 14 taong gulang ang nabubuntis na mga kabataan dahil na rin sa kakulangan ng […]