• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VILMA, kumpirmadong sa Senado na tatakbo at sa Congress naman si RALPH; palit-puwesto pag parehong nanalo

EMOSYONAL si Andi Eigenmann dahil ang panganay niyang anak na si Ellie Ejercito ay mawawalay na naman sa kanya.

 

 

Ang set-up talaga ni Ellie, either nasa Manila kunsaan, kasama niya ang ama na si Jake Ejercito or nasa Siargao ito kasama si Andi at ang mga kapatid niya rito.

 

 

After ng lock-in taping ni Jake, sinundo nga niya ang anak sa Siargao at nag-spent muna rin ng ilang araw sa island.

 

 

Sey ni Andi, hindi raw madali tuwing alam niya na aalis si Ellie at sa Manila muna ito at hindi niya kasama.

 

 

Ayon dito, “Me and my bestie. We miss you already, Ellie bestie! Never gets easy when she goes away to be a city girl for a month.  But like I always say, it isn’t about me. It’s about guiding her and giving her chance to get out there and live her best, happiest life.  Even if it means missing her so much.  Ohhh I love you very much my girl.”

 

 

***

 

 

SENADO na nga ang tatakbuhin ng Star for All Seasons at kasalukuyang Congresswoman ng Batangas na si Vilma Santos-Recto.

 

 

Habang ang mister niya na si Sen. Ralph Recto naman daw ay ang posisyon na iiwan ni Ate Vi ang tatakbuhin.

 

 

Kinumpirma na ito ni ‘Nay Lolit Solis sa kanyang Instagram account. At totoo raw pala ang una niyang nasagap sa mga ito.

 

 

Sey niya sa kanyang Instagram post, “Ang galing naman na magpapalit puwesto pala sa darating na eleksiyon sila Ralph Recto at Vilma Santos, Salve. Tutoo pala iyon una natin nasagap na balita na sa Senado na tatakbo si Vilma Santos at sa Congress naman si Ralph Recto. Suwerte talaga ng Batangas dahil tutok sa progress ng bayan ang mag asawang Recto.     “Talagang mula ng pumasok sa pulitika si Ate Vi hindi na niya ito maiwan, napamahal na sa kanya, nasanay na siya at nagustuhan na niya ang public service. Ang masarap kay Vilma Santos, iyon linya niya sa showbiz hindi niya pinutol. Ganuon parin niya kamahal ang lahat ng nakasama niya sa industriya, kaya naman lahat sa showbiz mahal na mahal siya at natutuwa sa tagumpay niya sa bago niyang mundo, ang politics. Magandang addition sa Senado si Ate Vi, bongga siya duon. Tiyak with open arms na tatanggapin siya ng mga daratnan niyang Senador, Sen Vilma Santos, welcome ! Fighting !”

 

 

***

 

 

SA pag-alis ni Jane de Leon sa FPJ’s Ang Probinsyano, muling mapapanood ang real-life sweethearts naman talaga na sina Coco Martin at Julia Montes.

 

 

     So, hindi lang pala sa movie na ginagawa nila magkasamang muli ang dalawa, si Julia ang nababalitang papalit kay Jane sa Kapamilya serye at siyang magiging bagong leading lady ni Coco.

 

 

Kaya masaya ang mga Coco-Julia fans sa balitang ito.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Romero ibinigay na ang bonus ng 3 boxers

    Tinupad ni House De­­puty Speaker Mikee Romero ang kanyang pa­ngako kina Tokyo Olympics silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Sa seremonyang tina­­­wag na “Bagsik Ng Kamao” ay iginawad ni Romero kina Petecio, Paalam at Marcial ang kanyang pangakong cash incentives via Zoom.     May […]

  • Pagpapasensiya ng mga Pinoy sa WPS dispute, umabot na sa limitasyon- Romualdez

    UMABOT na sa limitasyon ang pagpapasensiya ng mga Filipino sa patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Dahil dito, hindi sila basta-basta uupo na lamang at hayaan ang kanilang mga kababayan na magdusa. Sinabi ni Philippine ambassador to the United States (US) Jose Manuel Romualdez na iyon ang dahilan kung bakit sinang-ayunan […]

  • Gadgets na inisyu sa mga guro, ‘di binabawi ng DepEd

    PINABULAANAN  ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) na inutusan nila ang mga guro na ibalik ang mga ibinigay nilang gadgets para sa distance learning.     Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Michael Poa bilang reaksyon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsabing  ipinababalik nila (DepEd) ang mga […]