• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VIN DIESEL, winelcome ang Oscar winner sa kanyang IG post: ‘Captain Marvel’ star na si BRIE LARSON, kasama na sa cast ng ‘Fast and Furious 10’

WALA raw balak na magkaroon ng lovelife muna ang tinatawag ngayon na Hugot Queen ng Bayan’ na si Hannah Precillas dahil mas nakatuon daw ito ngayon sa kanyang career bilang singer and performer.

 

 

Ngayon at maluwag na ang restrictions, sunud-sunod na ang schedules niya para sa ilang regional shows para sa Kapuso network. Nasimulan na raw ito ni Hannah noong mag-perform siya sa GMA Masterclass.

 

 

“Nakaka-miss po yung mag-show sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Before the pandemic, sunud-sunod po ang mga regional shows namin. Ngayon at mukhang okay na ang lahat, may mga nakahandang shows na para sa aming mga singers sa GMA. Hopefully, masundan po ito ng shows abroad for GMA Pinoy TV,” sey pa nui Hannah.

 

 

Pino-promote ni Hannah ang hugot single niya na “Sadly Falling” under GMA Music na maraming nakaka-relate, lalo na yung mga nakaranas ng pakikipaghiwalay o ang ma-heartbroken.

 

 

“It talks about falling out of love. Dumaan din po ako sa heartache, kaya naging personal sa akin itong song. So, I used the pain I’m feeling and expressed it through the words and the melody of the song composed by director Njel de Mesa,” sey ni Hannah na unang narinig ang song noong 2020 pa.

 

 

Dagdag pa niya: “Pinarinig sa akin ni Direk Njel ang kanta at nagustuhan ko talaga siya. Hindi ako broken that time pero sabi ko napakaganda nito. Two years later, nung narinig ng GMA Music ang kanta, ako raw ang unang pumasok sa isip nila at bagay raw sa boses ko ang song. Ngayon, napapanahon na siya sa akin. Ang meaning mismo ng kanta ang pinagdadaanan ko at unintentional na bumagay na rin ito sa kuwento ko ngayon.”

 

 

Good friends naman daw si Hannah at ang kanyang ex-boyfriend. Pakiusap niya rito na i-downlaod ang kanyang single na available sa lahat ng music streaming plaforms.

 

 

“Yun lang ang hiling ko sa kanya bilang kaibigan. I-download niya ang single ko ng ilang beses bilang pagsuporta niya sa career ko.”

 

 

***

 

 

ISINAPUBLIKO na ng actor-director na si Fifth Solomon ang kanyang relationship sa kapwa niya lalake.

 

 

Pinost niya ito sa Instagram na may hashtag na #JowaReveal.

 

 

“Ganito pala feeling ng may jowa. Makakagamit na din ako ng quotes tulad ng ‘I wish I knew you before I knew you,’” caption pa ni Fifth habang nagbabakasyon sila ng boyfriend sa Bohol.

 

 

Isang model at gamer ang boyfriend ni Fifth na pangalan ay Sacarie.

 

 

Si Fifth Solomon o Roberto Solomon Pagotan V ay dating housemate ng Pinoy Big Brother ay kapatid ng Bubble Gang comedian na si Chariz Solomon. May twin brother si Fifth na si Fourth o Robert “Bobby” Solomon Pagotan IV.

 

 

Noong 2014 pa alam ni Chariz ang pagiging bisexual ni Fifth. Nag-out kasi si Fifth sa loob ng Bahay ni Kuya.

 

 

Sey pa noon ni Chariz: “Di na ako na-surprise. Happy naman ako para sa kanya kasi desisyon nya yan eh.” 

 

 

***

 

 

KASAMA na sa cast ng Fast and Furious 10 ang Oscar winner at Captain Marvel star na si Brie Larson.

 

 

Si Vin Diesel ang nag-welcome kay Larson at pinost niya ito sa kanyang Instragram: “You see this angel over my shoulder cracking me up, you say to yourself, ‘That’s Captain Marvel.’ Clearly, there is love and laughter in this image. What you don’t see, however, is the character vou will be introduced to in Fast10.

 

 

Beyond her beauty, her intellect, her Oscar… is this profound soul who will add something you might not have expected but yearned for. Welcome to the FAMILY Brie.”

 

 

Nagpasalamat naman si Brie sa pagtanggap sa kanya sa pelikula: “Excited doesn’t even begin to explain how I feel about joining the Fast family & thank you for welcoming me in with so much kindness and excitement.”

 

 

Bukod kay Larson, makakasama rin sa movie si Aquaman star Jason Momoa. Magbabalik din ang iba pang cast members na sina Michelle Rodriguez, Tyrese Gibson, Ludacris, Sung Kang at Charlize Theron.

 

 

Sa May 2023 ang cinematic release ng Fast and Furious 10.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Akyat-bahay’ utas, 2 parak sugatan sa engkuwentro

    UTAS ang isang hinihinalang “akyat bahay” suspek matapos umanong tumangging sumuko sa mga pulis habang nakikipag-agawan ng baril sa alagad ng batas sa Quezon City kahapon (Biyernes) ng madaling araw.   Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S Montejo ang nasawing suspek base sa kanyang drivers license at brgy. […]

  • Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist

    INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis.     Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba […]

  • Kaabang-abang ang una nilang pagtatagpo: ANDREA, natuloy na rin sa paglabas sa top-rating sitcom ni JOHN LLOYD

    TULOY na ang paglabas ni Andrea Torres sa top-rating sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na Happy ToGetHer.     Sa bandang ending ng episode ng naturang sitcom noong nakaraang April 10, ni-reveal na magiging next celebrity guest ay walang iba kundi si Andrea.     Simula noong mapag-usapan ang gagawin na sitcom na […]