VINTAGE BOMB, NAHUKAY
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG vintage bomb ang nahukay sa isang construction site sa Sta.Cruz, Maynila.
Ayon sa Sta Cruz Police Station (PS-3), naghuhukay ang MGS Construction Inc sa bahagi ng Laon Laan Street corner Mendoza Street, Sta. Cruz, Manila nang madiskubre ang isang malaking bakal.
Agad itong inireport sa pulisya kung saan napag-alaman na isa itong 155mm Artillery Projectile
Pinayuhan naman ng pulisya ang construction firm na mag-ingat sa paghuhukay sa lugar at agad na ipagbigay alam sa otoridad sakaling mayroon pang madiskubreng kahalintulad na bagay .
Dinala na sa DECU MPD office ang nasabing bomba para sa tamang disposisyon. (GENE ADSUARA)
-
Highly-Anticipated Films to Watch This Second Half of 2021
BECAUSE of the COVID-19 pandemic, 2020 has been a tough year for the film industry, especially with all the film releases getting postponed to a later date. Here’s a rundown of some of the highly-anticipated films we’re all looking forward to catching in cinemas this second half of 2021! Check […]
-
BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’
MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives. Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]
-
Libreng sakay sa LRT, handog sa 125th Rizal Day – LRTA
Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa LRT Line 2 sa piling mga oras sa darating na Huwebes, December 30. Ito ay bilang paggunita sa Rizal Day o ang ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Magsisimula ang libreng sakay dakong alas-7:00 ng umaga […]