• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Virtual concert ni NADINE, tuloy pa rin kahit may isyu pa sa kontrata sa Viva; nagpapasalamat kay JAMES

NAGLABASAN na nga sa iba’t-ibang news ang resulta ng kaso ni Nadine Lustre sa Viva at isa sa mga ito ay ang kailangan daw i-honor ang kontrata niya. 

 

 

     Nang tanungin ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel si Nadine tungkol dito, isang matipid pero tila may kumpiyansa pa rin na sagot niya, “Well, I trust naman that Attorney Lorna Kapunan can help me out of this.

 

 

“And I’m leaving it all up to them.”

 

 

Sa kabila nga ng isyu niya sa Viva, tuloy pa rin ang virtual concert niya sa July 3, ang Absolute Madness at grateful daw siya sa lahat ng nangyayari sa kanya at kung ano siya ngayon.

 

 

Obvious din sa mga sagot ni Nadine na maganda ang relasyon niya sa pamilya ni James Reid at kay James mismo.

 

 

When asked kung ano ang message niya kay James, sey niya, “Thank you for everything. Like, I’ve really appreciate him.”

 

 

***

 

 

NANG tanungin si Beauty Gonzalez, ang bagong Kapuso ngayon kung sino sa mga Kapuso leading men ang gusto niyang makasama o makapareha, ang una niyang binanggit ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

Sey niya, “I wanna work with Dingdong kasi he’s one of the biggest stars and also Alden Richards. I saw a few films of them and I want to work with them also.”

 

 

Nabanggit din ni Beauty na gusto rin niyang makatrabaho sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Gabby Concepcion.

 

 

Kung may nilu-look forward man daw siya ngayong isa na siyang Kapuso ay ang pwede niyang matutunan pa.

 

 

    “Yung learning, I want to learn new things. Excited din ako to meet new friends, new challenges. I’m really excited for new beginning.”

 

 

***

 

 

PARANG ang daming Kapuso stars na excited na talaga kung tuluyan na ngang magiging isang official Kapuso ang nagbabalik na si John Lloyd Cruz.

 

 

Ang daming nag-comment ng heart sign, clapping emojis na Kapuso stars sa naging Instagram post ng GMA Pictures President and Programming Consultant to the GMA Chairman na si Attorney Annette Gozon-Valdes. 

 

 

Ipinost kasi nito ang picture kunsaan, kasama niya si John Lloyd at may caption na, “At last nagkita na kami.  Exciting times ahead! Abangan!”

 

 

     Maikli lang ang caption niya, pero sa “exciting times” at “abangan” e mukhang do’n talaga na-excite kahit ang ibang netizens.

 

 

Well, mukha naman talagang magtutuloy-tuloy na si John Lloyd na kung hindi man maging network contract artist ay may gagawin sa GMA at most likely, sa GMA Films din.

 

 

Hindi namin masasabing bitbit si John Lloyd ng mag-asawang Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto dahil separate ang “entry” ni John Lloyd sa mag-asawa at sa ibang staff at artists na balitang bitbit ng mga ito sa GMA, pero ‘di-malayong magkaka-trabaho pa rin sila sa Kapuso.

 

 

Sa mga Kapuso stars nga pala na tila happy at excited kay John Lloyd, nandiyan sina Kim Rodriguez, Kyline Alcantara, Sofia Pablo, Shaira Diaz at Yasmien Kurdi.

(ROSE GARCIA) 

Other News
  • PSA, minomonitor ang ‘shrinking products’ kaugnay sa inflation

    SINUSUBAYBAYAN ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung paano maaaring makaapekto ang tumataas na inflation sa laki o kalidad ng mga produkto upang mapanatiling pareho ang mga presyo o ang konsepto na tinatawag na “shrinkflation.”     Inihayag ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na makikita ang konsepto ng shrinkflation sa mga restaurants […]

  • Usap-usapan ang pagdalo sa house blessing: ALDEN, seryoso at kumpirmadong nanliligaw na kay KATHRYN

    USAP-USAPAN na nga ngayon sa social media ang mga viral photos at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kilala rin bilang KathDen, na kuha sa naganap na house blessing ng Kapamilya actress.  Sa isang video ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden. Naging abala rin si Alden […]

  • CHRIS EVANS, planong bumisita sa Pilipinas pag maayos at ligtas na

    PAGKATAPOS na maging bagong celebrity endorser ng Smart Communication, nasa plano na raw ng Marvel Cinematic Universe actor na si Chris Evans ang bumisita sa Pilipinas kapag maayos at ligtas na ang bumiyahe.     Kelan lang daw nalaman ng aktor na maraming magagandang pasyalan sa Pilipinas.     “What do I know about the Philippines? […]