• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vloggers na nagkakalat ng fake news tatalupan ng Kamara

SISIMULAN na ng Tri-committee ng Kamara ang imbestigasyon sa mga indibidwal na nasa likod ng talamak na pagpapakalat ng fake news na isa umanong matin­ding panlilinlang sa publiko.

Magsasagawa nga­yon ng executive briefing ang joint panel na binubuo ng Committees on Public Order, on Public Information, at Information and Communications Technology (ICT) na pangungunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez.“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” sabi ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon para sa perso­nal o politikal na interes ay dapat na managot.

“Ang fake news ay lason na sumisira sa ating demokrasya. Hindi tayo titigil hangga’t mapanagot ang mga nasa likod nito at matiyak na may tamang proteksyon ang ating mga kababayan,” dagdag pa ng solon.

Pangunahing isyu na tatalakayin ang transpa­rency ng mga social media platforms sa pagtukoy at pagtanggal ng maling impormasyon, pagpapatupad ng mga hakbang sa pananagutan laban sa mga paulit-ulit na lumalabag tulad ng mga iresponsableng vlogger at influencer, at ang mas malawak na epekto ng disimpormasyon sa pambansang seguridad, lalo na sa usapin ng hidwaan sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga inimbitahan ang mga pangunahing social media platforms upang ipaliwanag ang kanilang mga polisiya at hakbang kung paano nila nilalabanan ang fake news, cyberbullying, at mapanirang content.

Sinabi ni Fernandez na tutukuyin din sa imbestigasyon ang mga butas sa batas upang matugunan ang mga isyu.

Nanawagan din ang solon sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyon na kanilang nakikita online at maging mapanuri upang malaman kung peke ang mga ito.

Tututukan din sa imbestigasyon ang mga panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong Filipino, lalo na sa kabataan at marginalized na pangunahing biktima ng cyberbullying at online harassment.

 

Other News
  • Duterte: Walang drug war reward system

    MARIING itinanggi ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte na may reward system na ipinatupad ang kanyang administrasyon kontra sa ilegal na droga.     Sa pahayag ni Duterte, sinabi nito na tanging pabuya lang na pagkain at pagbati ang ibinibigay niya sa mga pulis na matagumpay na natapos ang kanilang misyon.   Matatandaan na ibinunyag sa […]

  • Mas bet ng fans sa seryeng pagbibidahan ni Anne: HEART, ‘di kayang pantayan nina KYLIE at PIA sa pagrampa

    NANUMPA na nga si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President last Monday, May 21 at siyempre nasa tabi ang kanyang esposa na si Heart Evangelista.       Marami nga ang nagulat sa pagpapatalsik o pagre-resign ng dating Senate President na si Miguel Zubiri noong Lunes.       Mukhang magiging aktibo na si Heart […]

  • CHRISTIAN LAGAHIT, inalala na naging biktima rin ng racial discrimination na ‘di na-experience sa ‘Squid Game’

    MINSAN na raw naging biktima ng racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit.     Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya.     Sa naging […]