Voter registration sa 2025 polls, umarangkada na
- Published on February 13, 2024
- by @peoplesbalita
UMARANGKADA na kahapon Lunes, Pebrero 12, ang voter registration period para sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon sa Comelec, inaasahan nilang aabot sa hanggang tatlong milyong Pinoy ang magpaparehistro para sa halalan sa susunod na taon.
Pinayuhan din nito ang mga aplikante na magdala lamang ng government-issued identification cards (ID) na mayroon nilang lagda bago magtungo sa tanggapan ng Comelec na malapit sa kanilang lugar.
Kabilang sa mga IDs na tinatanggap sa pagpaparehistro sa poll body ay ang National Identification (ID) card, Postal ID card, PWD ID card, Student’s ID card o library card, na pirmado ng school authority, Senior Citizen’s ID card, Land Transportation Office (LTO) Driver’s License/Student Permit, National Bureau of Investigation (NBI) Clearance, Philippine Passport, Social Security System (SSS)/Government Service Insurance System (GSIS) o iba pang Unified Multi-Purpose ID card, Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card, lisensiyang inisyu ng Professional Regulatory Commission (PRC), Certificate of Confirmation na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa miyembro ng ICCs o IPs at Barangay Identification/ Certification na may larawan at iba pang government-issued valid ID.
Magtatagal ang voter registration period hanggang sa Setyembre 30, 2024 lamang.
Matatandaang ang Pebrero 12 ay una na ring idineklara ng Comelec en banc bilang “National Voter’s Day” o “Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino”.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, isinagawa nila ang deklarasyon upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging isang rehistradong botante at ipaliwanag ang mga proseso ng pagrerehistro at ng halalan sa mga Pinoy.
Inaasahang kasabay ng naturang pagdiriwang, lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad upang i-entertain ang mga registrants at pukawin ang interes ng kanilang mga constituents para mahikayat silang magparehistro.
-
Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente
Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado. Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa […]
-
Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas
Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna. Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu. “Subject ito sa mga kondisyon […]
-
Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa NBI, NIA, LTO, DTI at DILG
INANUNSYO ng Malakanyang ang mga bagong appointees sa Land Transportation Office (LTO), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Trade and Industry (DTI). Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang mga bagong appointees ay sina: *Robert Victor Seares Jr.- Deputy […]