VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG KINANSELA
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALA munang ititigil ang voting registration sa Nobyembre 30 at Disyembre 8 .
Sa inilabas na public advisory ng Commission on Election (Comelec), ito ay bilang paggunita sa regular holiday (Nov. 30) at special non working holiday (Dec. 8), kaya pansamantalang kinansela ang voting registration at base na rin sa Presidential Proclamation No. 845.
Wala ring magaganap na transaksyon sa alin mang opisina ng Comelec sa buong bansa, kabilang na ang pag iisyu ng voter’s certitification.
Ayon pa sa Comelec, ang voter registration ay simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon tuwing weekdays habang ang araw ng Biyernes ay ang disinfection day.
Nagpaalala din ang Comelec sa publiko na mahigpit na obserbahan at ugaliin ang minimum public health standards sa loob at labas ng kanilang opisina. (GENE ADSUARA)
-
De Lima, posibleng mapawalang-sala – Remulla
NANINIWALA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mapapawalang-sala na si dating senador Leila de Lima sa nalalabi niyang kaso ukol sa iligal na droga. Ito ay makaraang makalaya na si De Lima nang payagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 na makapaghain ng piyansa. Ayon kay Remulla, napakatibay na […]
-
Ads July 24, 2023
-
CBCP ikinabahala ang pagsusulong ng People’s Initiative
BINALAAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko laban sa nagsusulong ng ‘people’s initiative’. Sinabi ni CBCP President and Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na naalarma ang maraming obispo dahil ang nasabing people’s initiative na isinusulong ng ilang mambabatas ay hindi pinapangunahan ng mga ordinaryong mamamayan. Dagdag pa […]