VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG KINANSELA
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALA munang ititigil ang voting registration sa Nobyembre 30 at Disyembre 8 .
Sa inilabas na public advisory ng Commission on Election (Comelec), ito ay bilang paggunita sa regular holiday (Nov. 30) at special non working holiday (Dec. 8), kaya pansamantalang kinansela ang voting registration at base na rin sa Presidential Proclamation No. 845.
Wala ring magaganap na transaksyon sa alin mang opisina ng Comelec sa buong bansa, kabilang na ang pag iisyu ng voter’s certitification.
Ayon pa sa Comelec, ang voter registration ay simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon tuwing weekdays habang ang araw ng Biyernes ay ang disinfection day.
Nagpaalala din ang Comelec sa publiko na mahigpit na obserbahan at ugaliin ang minimum public health standards sa loob at labas ng kanilang opisina. (GENE ADSUARA)
-
Kaya ‘di na makakasama sa ‘ASAP’ sa Las Vegas: SHARON, inaming tatlo sa pamilya ang nagka-Covid sa Australia
ANG dapat o nagsimula naman na masayang bakasyon ng Megastar na si Sharon Cuneta, kasama ang buong pamilya niya sa Australia ngayon ay nahaluan ng lungkot. Sa pag-uwi raw nila ng bansa, mukhang naka-caught sila ng COVID virus sa Australia. Ayon kay Sharon, tatlo raw sa family members niya ang positibo […]
-
7 days quarantine na lang sa ‘bakunadong’ travelers
Iniklian na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pitong araw ang quarantine protocol para sa mga Pinoy travelers na papasok ng bansa na nakumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa mga quarantine facility pa rin dadalhin ang […]
-
Japan nagpautang muli ng P6.9B para sa MRT3 rehab
LUMAGDA sa isang kasunduan ang Japan at Pilipinas para sa isang loan na nagkakahalaga ng 17.4 billion yen o P6.9 billion na gagamitin sa ikalawang bahagi ng rehabilitation ng Metro Rail Transit 3 (MRT3). Ang lumagda para sa Tokyo ay si charge d’affaires Kenichi Matsuda habang si Foreign Affairs secretary Enrique Manalo […]