Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.
Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon bukas ang Offices of the Election Officers (OEO); at kahit holiday daw ay tatanggap sila ng magpaparehistro.
“The new schedule will be implemented beginning February 15, 2021.”
Para matiyak na nasusunod ang health protocols, itinakda ng poll body sa pagitan ng Biyernes at Lunes ang designated disinfection day sa mga OEO.“During disinfection, all Comelec offices nationwide will be closed and there will be no transactions with the public,” sabi ni Jimenez.
Una nang umapela si Jimenez sa mga eligible voters na makilahok sa demokrasya sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pagboto.
Para sa mga magpaparehistro, pinayuhan ng Comelec na magpa-appointment muna sa irehistrocomelec.gov.ph at mag-fill up ng application form. (GENE ADSUARA)
-
Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na
NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman. Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin. Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa. Samantala, nag-concede na rin si vice […]
-
2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown
ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19. “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng […]
-
Ads June 19, 2021