• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Voter’s registration sa mga mall, aarangkada sa Disyembre

MAGPAPATULOY  muli ang pagsasagawa ng voters registration sa limang piling shopping malls sa National Capital Region (NCR) sa dara­ting na Disyembre 17.

 

Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Election (Comelec) en banc noong Oktubre 26 ang operational plan ng ‘Register Anywhere Project’ (RAP) ng komisyon.

 

Subalit, tutukuyin pa sa mga susunod na araw ang limang malls na pagdarausan nito.

Nakaiskedyul na isagawa ito tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 17 hanggang Enero 29, 2023 (maliban sa Disyembre 24, 25, 31 at Enero 1, 2023).

 

Sa pilot period ng programa, lahat ng kuwalipikadong residente sa Pilipinas ay maaa­ring magtungo sa napiling malls para magsumite ng kanilang application form, mga requirements at magpa-biometrics upang makapagparehistro na botante.

Sa unang panuntunan, tanging mga lokal na residente kung saan naroroon ang mall lamang ang pinapayagan na magparehistro sa RAP sites.

 

Unang nagsagawa ng demonstrasyon ng RAP ang Comelec nitong Nobyembre 4 sa Robinsons Place sa Ermita sa pangunguna ni Chairman George Erwin Garcia at Commissioner Rey Bulay. Dito itotono ang sistema bago ilunsad sa publiko.

 

“The COMELEC looks forward to officially kick-off the series of public demons­trations and simulations which will be open to the general public, the media and all other electoral stakeholders,” ayon sa komisyon.

Other News
  • Pasinaya sa Casa De Polo at paglulunsad ng Coffee Table Book at Cultural Night sa Valenzuela

    BILANG bahagi ng pagwawakas ng selebrasyon ng ika-400 founding anniversary, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Casa de Polo sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang panauhing pandangal na si first lady Louise Araneta-Marcos.     Kasunod nito, ang paglulunsad ng coffee table book ng lungsod na nagha-highlight sa kasaysayan at pag-unlad ng Valenzuela sa […]

  • General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan

    Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.   “Affected motorists should take a turn at […]

  • Listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa 4Ps, inaasahang mailalabas sa Setyembre o Oktubre – DSWD

    INAASAHANG ilalabas ang listahan ng mga bagong benepisaryo at natanggal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.       Paliwanag ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na ang mga natanggal mula sa listahan ng 4Ps ay ang mga pamilya na wala ng anak na edad 18 pababa o […]